Dahil sa ‘Topakk’ movie nila ni Arjo: ENCHONG, natupad ang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival
- Published on May 22, 2023
- by @peoplesbalita
PARANG high na high ang pakiramdam ni Enchong Dee.
Ang dahilan, ang katuparan daw ng kanyang pangarap na maka-attend ng Cannes International Film Festival.
Kasalukuyan ngang isa sa mga invited si Enchong sa Cannes dahil sa pelikula nila ni Arjo Atayde na “Topakk.” Parang may realization pa ito na hindi raw talaga sa loob ng bansa mananatili dapat ang isang actor.
Aniya, “Ang mundo ng isang aktor ay hindi nananatili sa loob ng bansa. Malaki ang mundo. Malayo ang lalakbayin. Masarap matuto. Nakaka-excite gumawa ng pelikula na maipapalabas mo sa mga banyaga. Thank you Lord pinaka-experience mo to sakin.
“Pangarap ko lang to dati na maka-attend ng @festivaldecannes but more so doing a world premiere for Topakk in Marche Du Film. Grabe ka Lord.”
Nagpasalamat din ito kay Direk Adolf Alix Jr. dahil sinama raw siyang manood ng “New Boy” at kunsaan, kasabay nilang nanood ang Hollywood actress na si Cate Blanchet.
***
NAKAUSAP namin si Andrei Yllana na isa sa cast ng ongoing VIVA One series na “The Rain in España.”
Masayang kausap ang anak na ito nina Councilor Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Mukha lang siyang seryoso, pero mahirit din at masayahing tao. Mukhang nakuha niya ang katangiang ito ng parehong magulang.
In fairness, kung dati, tila may tampuhan pa sa pagitan nina Andrei at Jomari, base sa mga pahayag ni Andrei, masayang-masaya ito sa parehong magulang.
At gayundin sa respective lovelife nina Aiko at Jomari. Sey pa niya, kung siya lang daw, gusto na niyang pakasal sina Tito Jay Khonghun at mommy niya. At very happy rin siya with his Dad and Abby Viduya.
Sabi namin kay Andrei, mukhang nakuha ni Abby ang “kiliti” niya. Ang present girlfriend ni Andrei ngayon na non-showbiz at three months in a relationship na raw sila, ang nagreto raw nito sa kanya o nagpakilala, si Tita Abby niya.
O, ‘di ba? Kaya si Andrei, happy raw siya talaga ngayon with his personal, family at career.
(ROSE GARCIA)
-
P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS
NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic. Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA. “Lubos kaming nagpapasalamat […]
-
PBBM, susuriin ang memo circular hinggil sa term of office ng ilang gov’t officials
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuriin nitong mabuti ang memorandum circular kaugnay sa ‘term of office’ ng ilang government officials. Sa isang panayam matapos dumalo sa 49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB), sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa ilang […]
-
Biden personal na binisita ang mga nasalanta ng bagyong Milton; $600-M tulong tiniyak
Personal na binisita ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng hurricane Milton sa Florida. Sinabi nito na labis silang nagpapasalamat dahil sa hindi gaano naging matindi ang pinsalang dulot ng bagyo gaya ng inaasahan. Nangako ito na magbibigay ng $600-milyon na tuloy para sa mga naapektuhan ng bagyo. […]