• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS

NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.

 

Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA.

 

“Lubos kaming nagpapasalamat na ang aming medical at health care providers ay nakatuon at matatag. Sila ay walang pagod na nagtatrabaho at nagbibigay ng masigasig na pangangalaga at serbisyo sa nagdaang anim na buwan, ” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Pinahahalagahan namin ang mga sakripisyo na kanilang ginagawa para sa aming mga kapwa Navoteño. Inaasahan namin na makakatulong ang SRA na mapalakas ang kanilang moral at bibigyan sila ng bagong lakas habang patuloy nating nilalabanan ang health crisis,” dagdag niya.

 

Noong nakaraang Mayo, ang City OrdinanceNo. 2020-20 ay nagbigay sa mga health workers sa Navotas na direktang contact ng mga suspected, probable at positive ng COVID-19 ng karagdagang bayad na katumbas ng maximum na 25 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.

 

Alinsunod sa Malacañang’s Administrative Order No. 28 na nagsasaad na ang SRA ay kinu-computed sa isang na-rate na batayan depende sa bilang ng araw ng mga public health workers na pisikal ng kanilang trabaho. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 18, 2024

  • Ads November 12, 2020

  • PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino.     Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) […]