Dahil sold out na ang ‘Videoke Hits: OPM Edition’… Birthday concert ni ICE, nagdagdag pa ng isang show sa November 8
- Published on September 9, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG linggo bago matunghayan ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, pero sold out na agad ang tickets!
Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum.
Sa pangatlong edisyon ng Videoke Hits concert series ni Ice, puno ng iconic OPM hits ang immersive experience na ito. Pagsasamahin ng concert ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance, na siguradong magbibigay ng hindi malilimutang rendisyon ng mga paboritong OPM.
Kasama sa lineup ang mga kantang tulad ng “Gento” ng SB19 at ang dance performance ni Ice sa “Salamin-Salamin” ng BINI. Magpe-perform din si Ice ng sarili niyang rendition ng “Isang Linggong Pag-ibig” at “Anak” ni Freddie Aguilar sa pinakahihintay na ICE-FIED segment.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Ice para sa napakalaking suporta: “Hi guys! Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa akin. Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat! At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang VIDEOKE HITS OPM EDITION.”
Dahil nga sa napakalaking demand, may isa pang show sa Nobyembre 8, 2024, para mabigyan ng pagkakataon ang mga fans na makisaya at maki-kanta sa ultimate sing-along concert.
Available na ang tickets para sa ‘Videoke Hits: OPM Edition: Isa Pa’ mula ₱1,500 hanggang ₱7,000, kasama ang special perks para sa VVIP gaya ng Soundcheck Experience at Meet & Greet.
Ang Ticket Prices: VVIP: ₱7,000 (With Soundcheck Experience + Meet & Greet + Signed Poster), VIP: ₱5,000, Gold: ₱4,000, Patron: ₱3,500, Orchestra Side A: ₱3,000. Orchestra Side B: ₱2,000, Balcony: ₱1,500
Add-ons para sa kahit anong ticket: Soundcheck Experience (1 Oras): ₱1,500, Meet & Greet: ₱1,000
Para sa ticket inquiries, kontakin ang Fire and Ice LIVE! sa 0917-542-0303 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.
(ROHN ROMULO)
-
PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo
NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang […]
-
Justin Brownlee sumalang sa unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas para sa November
SUMALI si PBA import Justin Brownlee sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa kanilang November window ng FIBA World Cup Asian qualiifers sa buwan ng Nobyembre. Ang nasabing pagdalo nito ilang linggo matapos na kinumpirma ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na inaayos na nito ang kaniyang mga dokumento para maging naturalized […]
-
Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script
MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya. Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show. “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na […]