• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo

NIRESBAKAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.

 

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni  Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang pandemya nito.

 

“You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do? Ang problema kasi nitong… ‘yung magsabi na we are not doing enough. What can we do with the germ that’s flying around?” giit ng Pangulo.

 

Kamakailan ay sinopla na ng Malakanyang at nagpahayag na walang magandang sasabihin si VP Leni  tungkol sa administrasyong Duterte sa gitna ng patuloy nitong pagpuna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang panayam kasi, sinabi ng Bise Presidente na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at wala namang magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may karapatan naman ang pangalawang pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon, tanggap na ng Malacañang na wala itong magandang sasabihin sa pamahalaan.

 

Giit ng kalihim, pwedeng sabihin ng bise presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Napag-alaman na una nang kinontra ng Palasyo ang obserbasyon ni Robredo na walang malinaw na direksyon ang Duterte administration kung paano tugunan ang COVID-19 crisis.

 

Sinabi ni Roque na umaksyon ang gobyerno kaya mababa lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases. (Daris Jose)

Other News
  • SIM card registration nagsimula

    HANDA  na ang mga pangunahing telecommunications company para sa pagpapatupad ng subscriber identity module (SIM) Card Re­gistration Act na magsisimula ngayon.     “As relayed to us by the different telcos, they are already ready with their systems come tomorrow and then are ready to accept the registration nationwide starting December 27,” pahayag kahapon ni […]

  • NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez

    NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at ilang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa paghataw sa Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola na mga Navoteño seniors na bahagi ng ika-118th Navotas Day celebration. (Richard Mesa)

  • Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).   Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA.   “With the aforesaid traits we […]