• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalang shabu ng kargador, buking

REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.

 

Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng Block 34, Tumana St. Brgy. NBBS.

 

Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng surveillance sa Pier 1, NFPC Brgy. NBBNS ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia hinggil sa suspect na si alyas “Ariel” at “Junjun” sa pamamaril kay Dino Garcia nang mapansin nila ang si Virgo na walang suot na face mask.

 

Nang lapitan ng mga pulis ay mabilis na kumaripas ng takbo ang suspek kaya’t hinabol ito ng mga parak hanggang sa makorner sa Merkit 1.

 

Ani PSMS Bong Garo II, nang ipalabas ang laman ng bulsa ng suspek ay nadiskubre ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,000 ang halaga.

 

Sinabi ni MARPSTA investigator Pat. Jan Israel Jairus Rhon Balaguer, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA

    WALA  pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para  maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers.     Sinabi ni  Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya.     Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang […]

  • Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

    HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]

  • May pahiwatig na pagtatambalin sa isang movie: Sweetness nina JERICHO at KATHRYN, marami na ang nakakapansin

    KAPANSIN-PANSIN na sa ginanap na birthday celebration ng kasalukuyang GMA consultant na si Mr. Johnny Manahan na kilalang Mr. M ay halos karamihan ng dumalo ay mga Kapamilya stars.   Sa mga pictures na naglabasan sa nasabing birthday celebration ni Mr. M ay Ilan sa nakikita na present ang mga big stars na sina Piolo […]