HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
WALA pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers.
Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya.
Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang nakapag-isyu ng joint administrative order ang DOH at Philippine Sports Commission (PSC) upang masiguro na naipapatupad ang health protocol habang dahan-dahan na binubuksan ang ilang sector ng lipunan.
“Antayin lang natin and this is an IATF decision to make kapag papayagan yan” , ayon pa kay Vergeire.
“Ang sa atin lamang lagi yung joint adminmistrative order with sports commission , meron tayo nilagay diyan na safeguards para sa health protocol na kailangan ipatupad”. dagdag pa ni Vergeire.
Ang Pilipinas ang napili muling mag-host ng FIBA qualifiers ngayong taon. (GENE ADSUARA)
-
PDu30, kinuwestiyon ang “timing” ni Pacquiao sa pagbira sa kanyang administrasyon na may kinalaman sa korapsyon
HAYAGANG kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “timing” nang pagbubunyag ni Senador Manny Pacquiao hinggil sa malalang at laganap pa ring korapsyon sa pamahalaan. Labis na ipinagtataka ng Pangulo ang matagal na panahon na pananahimik ni Pacquiao sa sinasabi nitong iregularidad sa ilang ahensiya ng pamahalaan lalo pa’t isa siyang mambabatas at public […]
-
Ads June 13, 2022
-
JESSICA, pinupuri sa no holds barred interview sa apat na presidential candidates dahil walang pinalampas na isyu
THANKFUL ang former child actor na si Miggs Cuaderno na nagkaroon ng book 2 ang Prima Donnas. He plays the role of Coco in the widely-followed afternoon prime series on GMA. “Siyempre po masaya kasi kasama pa rin po ako as Coco sa season 2 at makakasama ko po ulit ung […]