• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalang shabu ng kargador, buking

REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.

 

Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng Block 34, Tumana St. Brgy. NBBS.

 

Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng surveillance sa Pier 1, NFPC Brgy. NBBNS ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia hinggil sa suspect na si alyas “Ariel” at “Junjun” sa pamamaril kay Dino Garcia nang mapansin nila ang si Virgo na walang suot na face mask.

 

Nang lapitan ng mga pulis ay mabilis na kumaripas ng takbo ang suspek kaya’t hinabol ito ng mga parak hanggang sa makorner sa Merkit 1.

 

Ani PSMS Bong Garo II, nang ipalabas ang laman ng bulsa ng suspek ay nadiskubre ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,000 ang halaga.

 

Sinabi ni MARPSTA investigator Pat. Jan Israel Jairus Rhon Balaguer, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • CHR nanawagan sa mga otoridad na agad na tutukan ang mga election-related violence

    HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad na tutukan ang mga naganap na election-related violence noong kasagsagan ng halalan nitong Mayo 9.     Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihang sa 16 election related incidents ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Dahil aniya […]

  • Salary adjustment sa 2023 siniguro ng DBM

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa  susunod na taon.     Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno.     “The Department of Budget and Management […]

  • Ads May 27, 2022