Klase ng mga estudyante sa Navotas, sinuspinde
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAHAYAG ni Mayor Toby Tiangco noong Sabado na wala munang pasok ang lahat ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang college ng pribado at pampublikong mga paaralan sa Lungsod ng Navotas kahapon (Lunes, Marso 9, 2020).
Ito’y kasunod ng inilabas na update ng Department of Heallth (DOH) na may dalawang karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID19 sa ating bansa. Sa ngayon, lima na po ang kumpirmadong apektado ng COVID19 at dalawa sa kanila ay Pilipino.
Ayon kay Mayor Tiangco, layon nito na maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito sa lungsod na kahit kinumpirma ng City Health Office na walang COVED19 sa Navotas ay kailangan nating mag-ingat.
Kailangan pong maging proactive tayo para maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Ugaliin ang wastong paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, at pag-iwas sa matataong lugar. Mag-ingat po tayo at sundin parati ang good hygiene at healthy lifestyle.
“Liliwanagin ko lang po, wala pong kaso ng COVID19 sa Navotas. Ang ginagawa po natin ay bilang preventive measure o para maiwasan ang sakit na ito,” ani Tiangco. (Richard Mesa)