• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City

HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak.

 

Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).

 

Si CabSec Nograles ay isa sa mga naitalaga bilang big brother para tumulong sa Quezon City sa kanilang coronavirus response, ay nagdonate matapos ang kanyang ika-44 na kaarawan noong September 3.

 

Bukod  dito, nanguna rin ito sa fund-raising drive online para sa mga health frontliners na naka-assign sa naturang dalawang government hospitals.

 

Napag-alaman na batay sa 33-level pay scale ng mga government workers, ang mga Cabinet members o department secretaries ay tumatanggap ng P262,965 na basic pay sa ilalim ng salary grade 31, pero dahil sa batas na nagtataas sa sahod ng mga opisyal ng gobyerno sa apat na mga tranches simula 2020 hanggang 2023, ang mga nasa ilalim ng salary grade 31 ay inaasahang makakakuha ng kanilang higher wage na P301,095 ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • Brodkaster na si Mon Tulfo arestado sa Maynila dahil sa cyber libel

    DINAKIP ng mga otoridad ng Manila Police District (MPD) ang kolumnista at brodkaster na si Ramon Tulfo — kapatid ni presumptive senator Raffy Tulfo — dahil sa reklamong cyber libel.     Bandang 10:05 a.m., Miyerkules, nang hainan ng warrant of arrest si Tulfo sa loob ng quadrangle ng Manila City Hall ng mga kawani […]

  • ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS

    NAGSIMULA  na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.     Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines […]

  • HERE’S KRYPTO, THE SUPER-DOG IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    MEET Krypto, the Super-Dog and Superman’s best friend in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets.”  Here to sit, stay and save the world.     Check out the featurette “Meet the Pets – Krypto the Super-Dog” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   […]