• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DALAWANG WEEKEND SHUTDOWN ANG LRT

DALAWANG weekend ngayon Abril na pansamantalang shutdown ang Light Rail Transit (LRT 1) para sa pagsasaayos ng kanilang linya at tren na sinimulan na noon pang Semana Santa.

 

 

Sa anunsyo ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, walang operasyon ang LRT line 1 sa April 17 hanggang 18, at April 24 hanggang 25, 2021.

 

 

Ayon sa LRMC, magsasagawa ng maintenance and rehabilitation activities o pagsasaayos sa kanilang linya at mga tren at istasyon; at pagpapalit ng overheard cater art wires upang mapabuti pa ang serbisyon sa mga pasahero.

 

 

Ang pagsasaayos ng LRT 1 ay preparasyon din umano para sa inaasahang commercial use ng bagong Generation-4 trainsets sa ika-apat na quarter ng 2021.

 

 

Upang hindi naman mahirapan ang mga mananakay o commuters na maapektuhan  sa pansamantalang weekend shutdown  ay magdedeploy naman ang LRMC ng mga public utility buses sa Route 17 o Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue, alinsunod na rin sa Department of Transportation.

 

 

Wala  rin umanong pagbabago sa service schedule ng LRT line 1 sa weekday o Lunes hanggang Biyernes, na 4:30am hanggang 9:15pm, northbound train; at 4:30am hanggang 9:30pm para sa southbound train.

 

 

Patuloy din ang paalala sa mga commuter na tumalima sa health protocols kontra COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mayor sa Ukraine at pamilya nito, natagpuang patay at nakatali pa ang mga kamay

    NATAGPUAN  ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang Mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa west ng Kyiv.     Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa […]

  • After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal

    HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.       Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw.       Sa post […]

  • WALANG 3RD TRANCHE NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

    NILINAW  ni DSWD Spokesperson  Director Irene Dumlao na walang 3rd tranche ng Social AmelioraTion Program , sa isang media forum ng National Press Club (NPC). Sinabi ni Dumalo sa National Press Club (NPC) forum na  sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mandato ng DSWD na magbigay lamang ng dalawang tranches. Sinabi ni Dumlao […]