• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Dancing doctor’ Eric Tayag itinalagang bagong DOH undersecretary

IN-APPOINT bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) ang epidemiologist at infectious diseases expert na si Dr. Eric Tayag.

 

 

Ang balita ay kinumpirma ni Tayag — na kilala sa paggamit ng pagsasayaw sa health-related campaigns bilang dating DOH assistant secretary — sa News5 ngayong Martes.

 

 

Hinihingian pa naman ng media ang DOH ng pahayag patungkol sa appointment ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang sa ngayon.

 

 

Lumabas ang balita halos isang buwan matapos ang kontrobersyal na pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating PNP chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng DOH.

 

 

Nangyayari ito habang wala pa ring inilalagay na kalihim ng DOH si Marcos Jr. halos limang buwan matapos umupo sa pwesto.

 

 

Kasalukuyang tumatayong officer-in-charge ng DOH si Maria Rosario Vergeire.  (Daris Jose)

Other News
  • Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

    Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.   Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– […]

  • Philippine fencers paghahandaan ang Vietnam SEAG

    Matinding preparasyon ang gagawin ng Philippine Fencing Association (PFA) para sa 31st Southeast Asian Games na iho-host ng Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.     Isiniwalat kahapon ni national fencing head coach Rolando ‘Amat’ Canlas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ang plano ng PFA na training sa Korea at Hong Kong.     […]

  • Organizer ng Beijing Winter Olympics hindi na magbebenta ng tickets

    TULUYAN ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.     Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.     Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng […]