DANIEL, muntik nang masilipan at buti na lang maagang napansin ni ZANJOE
- Published on September 30, 2021
- by @peoplesbalita
KINAAALIWAN nang maraming netizen ang isang Twitter video kunsaan muntik nang masilip si Daniel Padilla.
Sa Twitter account na @daks_padilla, makikita sa uploaded video ang aktor na si Daniel Padilla na naka-shorts at tahimik na nakaupo at medyo nakabukaka ang mga binti nito.
Biglang tinapik siya ng aktor na si Zanjoe Marudo at sinabi kay Daniel: “Isara mo raw at nakikita ang b*tlog mo.”
Sabay tumayo si Daniel, tumalikod at inayos ang kanyang shorts at ang laman ng kanyang shorts. Tapos ay nagtawanan na sila. Halatang na-conscious na bigla si Daniel dahil muntik na nga siyang masilipan.
Sabi pa ni Daniel habang tumatawa: “Huwag mong ilagay yan, ha?”
Pero too late na at may nag-post na ng video sa Twitter at may caption: “Tangina ni Zanjoe, pinasara pa! Sarap na ng view eh.”
Meron na itong 34.4 views, 351 retweets at 1,113 likes.
***
MAGBIBIDA na rin si 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida sa isang sexy comedy titled Sarap Mong Patayin na mula sa direksyon Darryl Yap.
Makakatambal ni Ariella sa naturang pelikula ay ang hunk na si Kit Thompson at kasama rin ang comedian na si Lassy Marquez. Tungkol sa mundo ng “catfishing” o pagkukunwari sa cyberspace ang pinakatema ng pelikula.
Tinanong ni Direk Darryl si Ariella kung okey lang daw ba sa kanya na magkaroon siya ng kissing scene with Lassy?
Sagot ni Ariella: “Lahat naman ng roles or projects being offered to me, kahit hindi major, I would first think about it before I say yes. This time, what gave me the confidence was the movie was directed by direk Darryl.
“I already had an idea what the previous movies of Direk Darryl were. I know, this one is the modern type. Even if hindi ko pa talagang kilala si Direk Darryl, I know he would tackle the issues.”
Nagandahan daw ang former beauty queen sa kuwento ng Sarap Mong Patayin kaya pumayag siyang gawin ito.
“The story itself is very relevant. Kaka-iba ang atake for me. I got in-zone with the role itself. That helped me later to do everything without hesitation. I’m in character. I was no longer Ariella. That was where I focused more.
“With the help of Direk Darryl, I was able to detach myself from my role and my character of Krista. Nag-shift na agad. Nawala na ang reservation ko in the role I would play. They helped me a lot, especially Direk Darryl, when it came to the difficult scenes.
“I’m really proud of the outcome of this film. When I saw just the trailer, I was already so excited. Hindi ko alam na magagawa ko ito.
“Ang gaan nila lahat kasama. I became at ease right away on the set. Kahit mabigat ang ginagawa naming eksena, magtatawanan na lang kami after the take. Bumabalik kami doon sa unang tanong ni direk sa akin, ‘Kaya mo bang halikan si Lassy?’ I believe laughing it off really helps.”
***
ISANG daddy na ang Riverdale star na si KJ Apa.
Sinilang ng kanyang model girlfriend na si Clara Berry ang kanilang baby boy noong nakaraang September 23. Pinangalanan nila itong Sasha Vai Keneti Apa.
Post ni Clara sa IG: “He is a perfect perfection. I am the luckiest to have now two men of my life, filling my heart with this cosmic gigantic vast love.”
Sagot naman ni KJ: “@clara.berry for taking my love for you to another dimension this week.”
Binati si KJ ng mga co-stars niya sa show na Riverdale na sina Camila Mendes, Lili Reinhart, Cole Sprouse, Vanessa Morgan, Casey Cott, Charles Melton, Mark Consuelos at Molly Ringwald.
Noong May ng taong ito ni-reveal nila KJ at Clara na magkakaroon na sila ng baby. Noong December 2019 nagsimulang mag-date ang dalawa at kinumpirma nila ito noong January 2020. Magkasama ang dalawa sa Los Angeles, California noong magsimula ang COVID-19 pandemic.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Susunod na admin, dapat mag-invest sa digital infrastructure
NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa susunod na bagong administrasyon na mag-invest sa digital infrastructure upang mas maging episyente ang automated voting system sa bansa at mabawasan ang pagkasira ng mga makina. “Gamechanger talaga ang automated elections pero dapat we have the digital infrastructure needed to make it work,” ani Cayetano. […]
-
Pamumuhay ng ilang Filipino lumala sa nakalipas na 12-mos. – SWS survey
TATLO umano sa 10 mga Filipino adults ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan. Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS). Isinagawa ang nasabing survey mula Abril 19 hanggang April 27, 2022 kung saan tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ano ang estado […]
-
After six years, dumating na ang ‘right time’… FAITH, inalala na nag-audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ pero ‘di nakuha
THANKFUL ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa ‘Black Rider’ bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye. Hindi raw glamourised drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena si Yassi Pressman at […]