• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DANIEL, umamin na ‘di nila napigilan ni KATHRYN na ‘di magkita

INAMIN ni Daniel Padilla sa virtual mediacon ng digital movie nilang The House Arrest of Us na sa panahon pala ng total lockdown noong Marso ay hindi nila napigilan ni Kathryn Bernardo na hindi magkita.

 

Talagang gumawa raw ng effort ang aktor para puntahan sa bahay niya ang katipan.

 

“Sa sobrang hirap pinuntahan ko siya ha, ha ha,” sabi ni DJ.

 

“Siguro mga dalawang araw lang kaming hindi magkita pinuntahan ko na kasi bago mag lockdown kami lang din naman ang magkasama so, after couple of days pumunta ako, ‘yun lang naman ang ruta ko, magkikita kami tapos uuwi rin ako, ganu’n lang hindi naman kami gumagala-gala kung saan-saan. Hindi kayang hindi magkita,” pagtatapat niya.

 

Hirit naman ni Kathryn, “oo, hindi kaya.”

 

Biro naman ni Robi Domingo bilang host sa mediacon, “frontliner ng pag-ibig ‘yan si Daniel.”

 

At dahil ikinasal sa The House Arrest of Us ang KathNiel ay inamin nilang dalawa na hindi pa rin nagbabago ang plano nilang magpakasal bago tumuntong ng 30 anyos ang aktor at beach wedding pa rin ang gusto nila.

 

“Pareho kami na ‘yung dream wedding namin is simple lang and very intimate, yan ‘yung beach wedding.

 

“So, every time tinatanong kami yan yung sinasagot namin na pareho namin hilig ‘yung beach. Wala namang specific date na sinabi namin na kapag ganitong year kasal na.

 

“Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din yung mga bagay na yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So tingnan natin kung anong period.

 

“Gusto kong bumuo ng pamilya habang bata pa kami para masabayan ko ang paglaki nila, ang energy nila,” sabi ni Kath.

 

Inamin din ng aktres na hinahanda rin niya ang sarili sa edad niyang 24 ay may anim na taon pa siya.

 

“May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, ‘yun naman talaga ‘yung plan. Of course, agree ako kasi napag- uusapan naman namin ‘yun. At nasa tamang age na kami para i- ready ang mga sarili namin pag dumating tayo sa punto na ‘yun.

 

“And now ‘yun ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. As in lahat ng kailangan i-ready, kasi malaking step yun and pagdating un at least di ba ready na kami and relax na lang.”

 

Ayon naman kay Daniel ay ayaw niyang ma-pressure si Kathryn dahil alam naman niya ang mga priorities ngayon ng dalaga, willing siyang maghintay kung kailan handa na ito para sa level up ng kanilang relasyon.

 

Kaya natanong din ang KathNiel kung kumusta ang relasyon ng kani-kanilang family in real life.

 

“I think it’s safe to say na okay. Okay yung relationship ko kay tita Karla and si mama and si DJ super okay. Happy kami in real life maayos yung pamilya namin pareho.

 

“Siguro tumatag na rin sila over the years na lagi kaming magkasama so parang yung mga kapatid niya para ko na ring kapatid sila.

 

“And parang extended family ko na rin sila. So I’m happy na ganu’n yung klase ng relationship na meron kami,” pahayag ng aktres.

 

Bukod sa KathNiel ay kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Den- nis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam at Herbert Bautista sa The House Arrest of Us na mapapanood na thru KTX (October 24) at iWant-TFC (October 25) mula sa direksyon ni Richard Arellano handog ng Star Cinema. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama

    NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga ­Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino ­talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho.     Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga […]

  • Gilas Pilipinas tuloy ang paghahanda para sa FIBA World Cup

    MAS pinaghandaan ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na pagsabak nila sa dalawang window ng FIBA.     Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ilang linggo ang gagawin nilang ensayo para matiyak na mangibabaw ang national basketball team ng bansa.     Pinag-aralan na rin aniya nila ang mga galaw ng mga makakaharap nila. […]

  • PDu30, ipinag-utos ang pagpapaliban muna ng pagtataas sa kontribusyon ng mga PhilHealth members ngayong 2021

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipagpaliban muna ang pagtataas sa kontribusyon ng mga PhilHealth members na nakatakdang ipatupad ngayong 2021.   Sinabi ni Senador Bong Go na ang katwiran ni Pangulong Duterte ay pandemic pa rin hanggang ngayon dahil sa Covid- 19.   “Pandemic tayo ngayon. Trabaho ng government na humanap ng paraan […]