• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinag-utos ang pagpapaliban muna ng pagtataas sa kontribusyon ng mga PhilHealth members ngayong 2021

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipagpaliban muna ang pagtataas sa kontribusyon ng mga PhilHealth members na nakatakdang ipatupad ngayong 2021.

 

Sinabi ni Senador Bong Go na ang katwiran ni Pangulong Duterte ay pandemic pa rin hanggang ngayon dahil sa Covid- 19.

 

“Pandemic tayo ngayon. Trabaho ng government na humanap ng paraan and to make easy for the people,” ayon kay Go.

 

Kaya nga, sinabi ni Go na pabor siya na ipagpaliban muna ang pagtataas sa kontribusyon ng mga PhilHealth members na nakatakdang ipatupad ngayong 2021.

 

“Base sa usapan namin ni Pangulong Duterte, sang-ayon naman po siya na ipagpaliban pansamantala muna ang pagtaas sa rates ng contributions ng PhilHealth habang may pandemya pa tayong kinakaharap,” ani Go.

 

Dagdag pa nito, kailangan ng Kongreso na magpasa ng batas para amyendahan ang Universal Health Care (UHC) Act, na siyang basehan ng PhilHealth sa dagdag-singil.

 

Ipinaliwanag ni Go na maraming nawalan ng trabaho kaya tulungan na lang muna ang mga kababayan natin lalong lalo na ang mga Overseas Filipino Workers na wala nang pambayad sa premium.

 

Pabor din daw si Pangulong Duterte na tustusan muna ang PhilHealth sakaling maurong ang premium hike.

 

Ani Go na personal siyang umapela kay Pangulong Duterte na kung maaari ay gobyerno na lang muna ang sumalo sakaling kulangin ang pondo ng PhilHealth sa mga susunod na panahon para hindi maisakripisyo ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Law.

 

Sinabi ni Go na pabor din si Pangulong Duterte na huwag munang ituloy ang contribution hike bagamat ayaw niyang umabot sa puntong wala nang pambayad ang PhilHealth kaya mungkahi niya dapat ang gobyerno ang sumalo sa halip na ipasalo sa mga kababayan lalo na ang mga mahihirap at nawalan ng trabaho.

 

“The government, as a whole, must do its best to unburden Filipinos by shouldering the cost while ensuring that the UHC law is implemented and the services of PhilHealth are unhampered,” ani Go.

 

Maaalalang binatikos ang PhilHealth, na naging sentro ng kontrobersiya dahil sa umano’y malawakang katiwalian, matapos nitong ianunsiyong tuloy ang kanilang premium hike sa gitna ng pandemya.

 

Hindi umano bababa sa P15 bilyon ang nakulimbat ng mga opisyal nito sa pamamagitan ng iba’t ibang modus kaya wala itong karapatang magdagdag-singil, sabi ng ilang senador.

 

Nakausap na din ni Go si Budget Secretary Wendel Avisado kung saan nakuha niya ang pagsang-ayon nito sa kanyang paliwanag.

 

Samantala, ipinaalala naman ni Go sa PhilHealth na gamitin ang mga pumasok na pera sa kanila sa mga miyembro nito.

 

Tiniyak din ni Go na malaki ang tiwala niya kay PhilHealth President and CEO Atty. Dante Gierran na hindi siya papayag na may manakaw na pera ang ahensiya. (Daris Jose)

Other News
  • Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters

    Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.     Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng […]

  • E-Scooter ordinance ipatutupad sa Valenzuela

    IPAPATUPAD na sa Valenzuela City ang isang ordinansa na pumapayag sa mga e-scooters na dumaan sa lahat ng mga kalsada, kalye at eskinita sa lungsod maliban sa kahabaan ng MacArthur Highway.   Ito’y matapos aprubahan ang Ordinance No. 811, Series of 2020 o “2020 E-Scooter Ordinance of Valenzuela City” ng 8 th City Council sa […]

  • ‘Doctor Strange 2’ Poster Confirms Appearance of Marvel Zombies & Captain Carter

    MARVEL unveils the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster confirming live-action zombies and Captain Carter will appear in the film.     The upcoming Marvel Cinematic Universe sequel takes place after the events of Spider-Man: No Way Home, WandaVision and Loki season 1 in which the titular sorcerer is continuing his research into the Time Stone and when the doors to […]