• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Bamban Mayor Alice Guo, kinasuhan ng misinterpretation

SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo.

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kauganyan sa Section 262 ng parehong code .

 

Ito ay ang paghahain nito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Okt.1,2021 kaugnay sa May 9, 2022 National and Local Elections sa munisipalidad ng Bamban,Tarlac.

 

Ayon sa Comelec, kusa at labag sa batas na gumawa ng material misrepresentation sa paghahain ng kanyang kandidatura sa pagiging Mayor ng Bamban,Tarlac si Guo at ang pagdedeklara na siya ay karapat-dapat para sa posisyon na hinahangad na mahalal sa kabila na siya ay Chinese citizen at residente ng Fujian, China.

 

Si Guo ay sentro ngayon ng mga pagdinig sa Senado matapos ito maaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa sinalakay na POGO hub sa Tarlac. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads August 22, 2022

  • PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA

    SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan.     Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles,   nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020.     Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa […]

  • LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses

    NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.     Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities […]