Dating DFA Sec. Romulo, pumanaw na
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
PUMANAW na si dating ambassador at Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Roberto ” Bobby” Romulo, araw ng Linggo, Enero 23 sa edad 83.
Kinumpirma ito mismo ng kanyang pamangkin na si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Si dating DFA Sec. Romulo ay anak ng namayapang statesmans at United Nations General Assembly President Carlos P. Romulo.
Sinasabing, taong 1989 nang pumasok ito sa gobyerno makaraang italagang ambassador sa Belgium, Luxembourg at Commission of the European Communities.
Naging DFA Secretary naman siya noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
At naging chairman siya ng iba’t ibang organisasyon kabilang ang AIG Philippines Insurance, PETNET, Inc. MediLinkk Network Inc. at Nationwide Development Corporation (NADECOR). (Daris Jose)
-
Ilang mambabatas nagbigay ng 1 buwang sahod para sa nasalanta ni #RollyPH
ISANG buwan sahod ang ibibigay ng ilang mambabatas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly. Sinabi ng tanggapan ni Houe Speaker Lord Allan Velasco na isang fund drive ang gagawin ng Kamara para sa mga biktima ng bagyo at pangunahin na rito ang donasyon na manggagaling mula mismo sa mga mambabatas. […]
-
RODJUN at RAYVER, inalala ang kanilang yumaong ina two years ago; sayang na ‘di naabutan ang apo na si JOAQUIN
INALALA ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz ang kanilang yumaong inang si Melody Beth Cruz sa second death anniversary nito noong February 2. Pumanaw si Beth dahil sa sakit na stage 4 pancreatic cancer. Nag-post si Rodjun sa kanyang Instagram ng photo nila ni Rayver at nakakatandang kapatid na si […]
-
VARIETY SELECTS “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” AS ONE OF TOP 10 BEST FILMS OF 2022
COLUMBIA Pictures’ I Wanna Dance with Somebody is shaping up to be a must-see, big-screen experience as it has been hailed by the prestigious Variety Magazine as one of the Ten Best Films of 2022. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/HzpCdwm8KkU] In Variety’s year-ender story, “The Best Films of 2022,” resident film critic […]