Ilang mambabatas nagbigay ng 1 buwang sahod para sa nasalanta ni #RollyPH
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG buwan sahod ang ibibigay ng ilang mambabatas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly.
Sinabi ng tanggapan ni Houe Speaker Lord Allan Velasco na isang fund drive ang gagawin ng Kamara para sa mga biktima ng bagyo at pangunahin na rito ang donasyon na manggagaling mula mismo sa mga mambabatas.
Noong Lunes sinimulan ang fund drive at ngayon ay P7 milyon na ang nalikom.
Ayon kay House Secretary General Jocelia Bighani Sipin, maliban sa cash donations ay umapela din ng tulong sa mga non perishable items si Velasco gaya ng mga toiletries, damit, tsinelas na dadalhin sa Bicol Region.
“We are setting up donation boxes and all departments in Congress are encouraged to drop what they can to help the typhoon victims. Donations may also be coursed through the Office of the Secretary General throughout the donation drive from November 4 to 13,pahayag ni Sipin.
Nasa 17 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Rolly habang 130,634 pamilya ang nawalan ng tirahan.
-
Job 19:26
TI shall see God.
-
Muling pagbangon ng salt industry, isinulong
KASUNOD na rin ng panawagang suporta para sa industriya ng asin sa bansa, isinulong ng isang mambabatas ang panukalang muling magpapabangon dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ahensiya na siyang magbubuo ng mga hakbang para sa modernisasyon at proteksyon ng naturang industriya. Nakapaloob ito sa House Bill No. 5676 o Philippine Salt […]
-
Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan
ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon. Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing […]