• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating pangulong Duterte, dumalo sa pagdinig ng Kamara

DUMALO sa ika-11 pagdinig ng Quadcom committee si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa imbestigasyon sa naganap na extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng dating administrasyon.

 

Nakatabi pa nito sa pagdinig si dating senadora Leila de Lima na dumalo rin sa hearing ng komite.

 

Bago nagsimula ang hearing, pinaalalahan ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang dating pangulo na huwag gumamit ng bulgar na paanalita sa congressional probe.

 

“Ang kahilingan lang po namin dito, habang kayo po ay kinakausap namin ngayong umaga, ang kahilingan lang po namin dito ay sana naman respetuhin po ninyo ang Quad Comm hearing na ito sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga vulgar words,” ani Abante.

 

Sinabi pa nito na ang imbestigasyon ay para malaman ang katotohanan sa anti-drug campaign.

 

“Our mission is to seek the truth, and we shall not be swayed from that path,” pahayag ni Abante.

 

Gayundin ang pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, co-chair ng Quad Comm, kaugnay sa objective ng komite.

 

“The Quad Comm was established after realizing that overlapping issues were being investigated by various committees. We are here not to judge but to listen, to understand the truth,” ani Barbers. (Vina de Guzman)

 

Other News
  • Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva

    HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman.     Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva.     Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th […]

  • PCSO chief Robles, pinagbibitiw

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.     “It is accessible to anyone, even to young children whose […]

  • Kongreso magiging katuwang ng PSC

    IPINANGAKO ng Congress Committee on Youth and Sports Development ang pag-asiste sa paghiling ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.   Batay ito sa committee regular meeting sa nakaraang linggo sa House of Representatives sa Quezon City na dinaluhan ng iba […]