Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw sa edad na 61
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Binawian na ng buhay si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang mga ulat na isinugod sa ospital ngayong Huwebes.
Sinasabing sumasailalim si Aquino sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, wika ng isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya.
Si Aquino, na anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang ika-15 presidente ng Republika ng Pilipinas. Siya’y 61 taong gulang.
Ngayong umaga lang nang ibalita ang dagsaan ng mga kawani ng media sa Capitol Medical Center matapos ibalitang isinugod ang dating presidente sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon.
Nagpaabot na rin ng panalangin ang dati niyang miyembro ng Gabinete na si Cesar Purisima patungkol sa pagpanaw ng dating state leader.
“Dear Heavenly Father, Thank You for sharing Pnoy with us and giving us the opportunity to help him in his mission. Thank you for loving him and for giving him grace and compassion,” ani Purisima.
“We are humbled by the strength you gave him especially knowing how difficult his life’s path has been. We now pray that you give him eternal rest and to give his loved ones strength in this difficult time, we pray in Jesus name, AMEN.”
Kinumpirma na rin ni Supreme Court Associate Justice Marivic Leonen ang balita sa ulat ng DWIZ, at nagpaabot ng kanyang pakikiramay.
“It is with profound sadness that I learned this morning of the passing of former Presidente Benigno S. Aquino III. I knew him to be a kind man, driven by his passion to serve our people, dilligent in his duties and with an avid and consuming curiousity about new knowledge and the world in general,” ani Leonen.
“It was an honor to have served with him. He will be missed.”
No comment pa naman sa ngayon ang Liberal Party na kanyang partido pulitikal.
-
Kahit noong October pa ang birthday niya: RHIAN, patuloy pa rin sa pagbigay ng kawang-gawa sa mga single mothers
TUMALAB ang pagpaparinig at pagpaparamdam ni Valeen Montenegro sa kanyang boyfriend na si Riel Manuel na gusto na niyang magpakasal. Heto at nag-propose na noong nakaaraang November 24 si Riel kay Valeen. Pinost ni Valeen ang special moment na ito sa kanyang Instagram na may caption na: “Easiest YES!!! What seemed […]
-
Mas tumatapang habang tumatanda: HEART, ‘di na ipipilit na mabuntis dahil dagdag pressure lang
HINDI na raw ipipilit ni Heart Evangelista ang mabuntis dahil dagdag pressure daw iyon sa pagsasama nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero. Pababayaan na lang daw nilang dumating ang hinihiling nilang sanggol sa natural na paraan para iwas stress sa kanilang dalawa ni Chiz. “Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because […]
-
MAVY, dream come true na makapareha ang ‘kaibigan’ na si KYLINE
DREAM come true para kay Mavy Legaspi ang makapareha si Kyline Alcantara sa very first Kapuso teleserye niya na I Left My Heart In Sorsogon. “Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga ‘yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever ’cause of the relationship that […]