• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Pangulong Ramos, pumanaw sa edad na 94

PUMANAW na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94-anyos.

 

 

Ayon sa mga lumabas na report, namatay ang ika-12 pangulong ng bansa dahil sa komplikasyon sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Si Ramos ay naging presidente ng bansa noong 1992 hanggang 1998.

 

 

Nagtapos ito sa U.S. Military Academy sa West Point, N.Y., at University of Illinois sa U.S.

 

 

Pumasok ito sa Philippine army at nagsilbi sa Korea at Vietnam.

 

 

Noong 1972 President Ferdinand Marcos ay inappoint niya si Ramos sa Philippine Constabulary.

 

 

Noong nagpatupad ng martial law si Marcos, si Ramos ang responsable sa pagpapatupad nito.

 

 

Noong 1981 si Ramos ay naging deputy chief of staff ng armed forces.

 

 

Ipinanganak ang dating pangulo noong March 18, 1928 sa Lingayen Pangasinan pero lumaki ito sa Asingan sa parehong probinsiya. (Daris Jose)

Other News
  • PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM

    PATULOY ang ginagawang paghahanda ng  Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022.     Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander […]

  • Mahigit 300 pamilya inilikas dahil sa bagyong Neneng- NDRRMC

    NAKAPAGTALA  ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 300 pamilya na iniwan ang kanilang tahanan sa  Region 2 at naghanap ng masisilungan sa iba’t ibang evacuation centers dahil kay bagyong Neneng, araw ng Linggo.     Sa kamakailan lamang na situation report nito,  sinabi ng  NDRRMC  na may 337 pamilya o 960 […]

  • Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate

    KUMUHA  ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue.     Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan.     Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]