• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating pulis Maynila patay sa pananambang, misis sugatan

NASAWI ang isang dating pulis Maynila habang sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek habang magkaangas sa motprsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

 

Kinilala ang biktima na si Police Sgt Dranreb De Castro , 47, ng 407 Lallana St. sakop ng Brgy 93 Dist. 1 Tondo Maynila at dating nakatalaga sa Sation 1, Viras, Tondo, Manila.

 

Sa inisyal na ulat, dakoang alas-9:00 ng umaga nang tambangan ang biktima habang sakay ng kanyang Yamaha Mio na kulay itim.

 

Angkas naman ng biktima ang kanyang misis na sugatan sa pangyayari na wala nang nagawa kundi mag-iiyak na lamang sa isang tabi.

 

Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Ugbo St. sa Tondo.

 

Nakuha sa pang-iingat ng biktima ang isang kalibre 45 na baril.

 

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pananambang at kung sino ang nasa likod nito.

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Gene Adsuara)

Other News
  • Gobyerno, kailangang manatiling “fully operational” sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 infection

    SA KABILA nang patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno, kailangan pa ring manatiling “fully operational” ang pamahalaan pang matiyak ang epektibong paghahatid ng pampublikong serbisyo.     Ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases sa mga government personnel, […]

  • Handog ang giant videoke birthday concert experience: ICE, aminadong nabitin dahil ‘di nakanta ang favorite OPM songs

    NGAYONG Setyembre, sa iconic Music Museum sa Greenhills muli magaganap isang masaya at tatatak na selebrasyon ng Original Pilipino Music (OPM).       Mamarkahan ng Acoustic Icon ng Asia na si Ice Seguerra, ang kanyang ika-40 (+1) na kaarawan sa pamamagitan ng pinaka-aabangang ikatlong edisyon ng “Videoke Hits.”       Sa ika-13 ng […]

  • Duque handang ‘mabinyagan’ ng COVID-19 vaccine; hinimok din ang mga kapwa gov’t officials

    Tinanggap ni Health Sec. Francisco Duque III ang hamon ng isang senador na maturukan ng COVID-19 vaccine para maibsan ang takot ng publiko sa bakuna.   Ayon sa kalihim, basta’t dumaan sa evaluation ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel, research ethics board, at Food and Drug Administration (FDA) ay handa siyang […]