Dating tulak, binaril sa loob ng kanyang bahay
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
HINIHINALANG may kinalaman sa droga kaya binaril at napatay ang isang 46-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City Martes ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Hospital ang biktima na si Regalado Saddi, 46, binata ng Jacinto St., Bgy Mambugan, Antipolo City
Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na baril.
Sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Brgy Mambugan, Antipolo City bandang alas-2:10 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Mambungan Hospital saka inilipat sa Amang Rodriguez Hospital kung saan binawian ng buhay.
Narekober sa lugar ang apat na basyo ng hinihinalang kalibre 45 kalibre ng baril.
Sa rekord ng pulisya, dating naaresto ang biktima noong October 29, 2020 sa kasong paglabag sa RA 9165 kung saan inilipat sa BJMP-Antipolo noong May 12, 2022. Hindi rin umano konektado ang biktima sa mga tumatakbong pulitiko.
Paatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek.
(Gene Adsuara)
-
17-anyos na runner sa Australia nagtala ng record
MULING pinatunayan ng 17-anyos na Australian sprinter na si Gout Gout na siya pa rin ang pinakamabilis na 200 meter runner. Sa pagsabak nito sa Queensland State Championship ay nagtala ito ng 20.05 seconds na pagtakbo. Ang nasabing oras ay mas mabagal pa ng 0.01 segundo. Sa final ay siya ang tinanghal bilang kauna-unaang Australian […]
-
Canadian tennis star Andreescu target na mahigitan si Williams
Pangarap ni Canadian tennis player Bianca Andreescu na mahigitan ang record ni US tennis star Serena Williams. Ayon sa 20-anyos na tennis player na malaki ang pangarap niya gaya ng malampasan ang record ng ilang mga sikat na tennis star na kinabibilangan ni Williams, Chrissy Evert o ang Australian tennis star Margaret Court. […]
-
NBA at Irving todo abang sa magiging anunsiyo ng New York na pagtanggal sa vax mandate
TODO ABANG na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19. Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New […]