• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Unang Ginang Imelda, “She is in good spirits”- PBBM

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanang Filipino para sa pag-alaala at panalangin ng mga ito sa kanyang Ina na si dating First Lady Imelda Marcos matapos dalhin sa ospital dahil sa hinihinalang pneumonia.

 

 

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Sa katunayan aniya ay nakausap niya ang doktor ng kanyang ina. Sinabi sa kanya na bahagyang may pneumonia ang kanyang ina at ito’y nilalagnat.

 

 

      Gayunman, binigyan agad aniya ang kanyang ina ng antibiotics at kumpiyansa aniya ang mga doktor na mapapawi nito ang lagnat ng kanyang Ina na si dating Unang Ginang Imelda.

 

 

      Nauna rito, sinabi ni Senator Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos na dinala nila sa hospital ang kanilang ina na si dating Unang Ginang Imelda.

 

 

      “Inospital na namin [for] close monitoring… Suspected pneumonia as she has been having fever [and] cough on [and] off. Given her age, we [have to] take [maximum] precautions,” pahayag ni Senator Marcos na tinutukoy ang 94-anyos na matriarch.

 

 

      Mayo noong nakaraang taon nang sumailalim ang dating First Lady sa angioplasty procedure. (Daris Jose)

Other News
  • Evacuation centers na-turn over na ng gov’t sa mga bayan malapit sa Taal Volcano

    NA-TURN over na ng pamahalaan ang tatlong evacuation centers sa Batangas kasunod nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.     Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, magkakaroon ng inagurasyon sa mga naturang local evacuation centers sa Miyerkules.     Matatagpuan ang mga ito sa Santa Teresita, Alitagtag at […]

  • Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine

    NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.     “We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in […]

  • P19.65B, nagastos ng DoH para sa benepisyo ng mga health workers

    PUMALO na sa P19.65 billion ang nagastos ng Department of Health (DoH) para sa benepisyo ng mga healthcare workers.     Base sa DOH accomplishment report para sa buwan ng Hulyo at Disyembre na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, makikita rito na kabilang ang active hazard pay sa   benepisyo na ibinigay sa medical personnel.   […]