• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P19.65B, nagastos ng DoH para sa benepisyo ng mga health workers

PUMALO na sa P19.65 billion ang nagastos ng Department of Health (DoH) para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

 

Base sa DOH accomplishment report para sa buwan ng Hulyo at Disyembre na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, makikita rito na kabilang ang active hazard pay sa   benepisyo na ibinigay sa medical personnel.

 

 

Iniulat din ng DOH ang probisyon ng  One COVID Allowance o Health Emergency Allowance para sa  1,624,045 healthcare workers at special risk allowance para sa 73,711 manggagawa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas ang  Office of the President (OP) para sa dayalogo para pag-usapan ang mga usapin na may kinalaman sa  hinaing ng mga nurse at iba pang healthcare workers.

 

 

Naniniwala ang Chief Executive na ang benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurse ay hindi sapat lalo pa’t hindi matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng mga ito para masiguro ang kalusugan ng publiko.

 

 

Samantala, winika pa ng DOH na may 1,430,286 karagdagang pasyente ang naserbisyuhan ngayong taong  2022, na may karagdagang tulong na pumapalo sa P16.6 billion.

 

 

Ang DOH din ay nagkaloob ng  P11.24 billion na medical assistance sa 1,878,650 pasyente sa pamamagitan ng  Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program “as of November of this year.”

 

 

Namahagi rin ito ng P468.59 milyong halaga ng tulong sa lahat ng rehiyon para sa Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) activities at nagtatag ng karagdagang 40 functional specialty centers, Tinatayang nasa 46 na ang kabuuang bilang ng specialty facilities sa buong bansa.

 

 

“When it comes to vaccination rate,  an additional 3,100,258 individuals have been vaccinated against COVID-19, bringing the official tally of fully vaccinated Filipinos to 73,713,573,” ayon sa DoH.

 

 

“On the other hand, some 6,068,268 Filipinos received their first booster, raising the tally to 21,047,212. Meanwhile, a total of 2,843,537 got their second booster shot, increasing the total to 3,691,412 individuals,” dagdag na pahayag ng DoH.

 

 

Iniulat din ng  DoH ang “ongoing organizational development activities para sa  rightsizing, decoupling ng alert level system mula restriksyon at  ang  institutionalization ng e-Arrival system.”

 

 

Ayon pa rin sa DoH, “the e-Arrival card, which aims for a faster completion of the traveler registration process, “fulfills part of the Marcos administration’s plan to ease the country’s stringent entry protocols in order to attract more tourists.” (Daris Jose)

Other News
  • NAKAKIKILIG ANG GINAWANG ‘SWEET PROPOSAL’: KLEA, KA-DATE ANG GF NA SI KATRICE SA ‘GMA THANKSGIVING GALA’

    LOVE wins sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala 2023 para kay Klea Pineda.       Nag-share ang Kapuso actress at StarStruck 6 Female Survivor ng video sa kanyang TikTok ng ginawa niyang sweet proposal sa girlfriend na si Katrice Kierulf para maging date niya ito sa GMA Thanksgiving Gala on July 22.     […]

  • 3 tulak timbog sa P1.3 milyon shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang dalaga matapos makunanan ng higit P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Esmeralda Pangyarihan alyas […]

  • ‘Cash gift’ sa mga aabot ng 80-90 taong gulang lusot sa Senado

    LUMALAKI ang tiyansang maambunan ng kwarta ang mas maraming senior citizens sa Pilipinas matapos makapasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2028.     Lunes lang kasi nang makalusot ang naturang panukala, bagay na aamyenda sa “Centenarians Act of 2016” o Republic Act 10868.     Kung tuluyang maisasabatas, makakukuha ng regalong P10,000 […]