• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office

MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.

 

 

Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.

 

 

Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), natanggap daw ng dating CBCP president ang kanyang reappointment noong Marso 29 na isinapubliiko lamang ng archdiocese noong Abril 18.

 

 

Sinabi nito na ang muling pagtatalaga ay ipinarating ng Secretariat of State ng Vatican kay Archbishop Arthur Roche noong Marso 18.

 

 

Kung maaalala, Oktubre 2016 nang italaga ni Pope Francis si Valles at 26 pang mga bishops bilang miyembro ng CDW.

 

 

Bukod dito ay nagsilbi rin bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy mula 2001 hanggang 2009 si Valles.

Other News
  • ‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

    MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.     Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]

  • COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka

    TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.     Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa […]

  • Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024

    TINATAYANG  77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon.     Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon. […]