• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Davao City, isasailalim sa MECQ simula Hunyo 5

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Hunyo  3, 2021, na isailalim ang   Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021.

 

 

Bukod dito, inaprubahan din ng  IATF ang  General Community Quarantine status ng General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30, 2021.

 

 

Sa naging kahilingan naman ng  Professional Regulation Commission (PRC), “provisionally approved” ng IATF  ang pagsasagawa ng   professional licensure examinations para sa buwan ng Hulyo  sa Setyembre  2021, “subject to conditions,” gaya ng  PRC’s health at safety protocols at pagsunod sa  minimum public health standards, ang pagpapalabas ng  PRC-DOH-PNP guidelines, at community quarantine classification ng mga kinauukulang lugar.

 

 

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang  guidelines ng  inbound international travel sa kahit na anumang  port ng Pilipinas ng lahat ng  “fully vaccinated individuals”  na naturukan sa Pilipinas.

 

 

” An individual shall be considered as having been fully vaccinated two or more weeks after receiving the second dose in a 2-dose series, or two or more weeks after receiving a single-dose vaccine,” ayon kay Presidential spokesperson Harry  Roque.

 

 

Ang isa aniyang  “fully vaccinated individual” ay kailangan na dala ang kanyang  vaccination card, na dapat beripikado bago pa ang kanyang  departure, at dapat na iprisinta sa kinatawan ng  Bureau of Quarantine (BOQ) para sa  re-verification sa Department of Transportation (DOTr) One-Stop Shop kapag dating sa Pilipinas.

 

 

“All inbound fully vaccinated individuals shall be required to undergo a 7-day facility-based quarantine upon arrival. The BOQ shall ensure strict symptom monitoring while in the quarantine facility for 7 days,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Gagawin lamang ang RT-PCR test kapag ang indibiduwal ay nag- manifests ng  COVID-19 symptoms sa loob ng  7-day quarantine.

 

 

Matapos na makompleto ang  7-day facility-based quarantine, magpapalabas naman ang  BOQ ng  Quarantine Certificate na nagpapakita ng  vaccination status nito.

 

 

Kaugnay nito, inatasan naman ng  IATF ang Department of Health (DOH),  Department of Finance, Department of Trade and Industry,  Department of Foreign Affairs at  National Economic and Development Authority na mag- convene at magbigay ng rekumendasyon  para mas lalong pagaanin ang ” testing and quarantine protocols’  para sa  “certain classes of travelers.”

 

 

Samantala, maliban sa ,  repatriation programs ng  Philippine government, nagdesisyon naman ang  IATF na gawing  exempted ang  non-Philippine government repatriation efforts sa   entry restrictions na ipinatutupad sa mga  travelers mula  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at sa United Arab Emirates.

 

 

Sa kaso naman  ng  Philippine government-organized repatriation, ang  Department of Foreign Affairs at  Overseas Workers Welfare Administration ay magsasagawa ng  paunang koordinasyon kasama ang  DOH-BOQ, DOTr at ang  One-Stop Shop nito at ang  Civil Aviation Authority of the Philippines, at National Task Force Against COVID-19 Task Group for the Management of Returning Overseas Filipinos, “at least 48 hours prior to the departure from the country of origin.”

 

 

Sa kaso naman ng  non-Philippine government repatriation, ang lahat ng  Filipino repatriates mula sa mga bansang mayroong   travel restrictions ay kailangan na mag-presenta ng negative RT-PCR test result na kinuha sa kanila sa loob ng  48 hours  bago pa ang  boarding sa  aircraft o vessel.

 

 

“The airline or the shipping line is responsible to check on this requirement.  A copy of the negative RT-PCR test result of the repatriate shall be submitted to the BOQ upon arrival in the port of entry in the Philippines,” aniya pa rin.

 

 

“Moreover, prior approval from the BOQ is needed for the entry of flight or vessel carrying Filipino repatriates prior to its movement from point of origin. In this connection, the concerned local manning agency (in the case of seafarers), the Philippine recruitment agency (for land-based workers), or the sponsoring Philippine government agency shall submit an exemption request to the DOH-BOQ, the approval of which is tantamount to IATF’s approval on the repatriation effort,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Ni-require naman ng  IATF ang lahat ng repatriates mula sa mga bansang mayroong  travel restrictions “in effect to be placed on a strict 14-day facility-based quarantine from the date of arrival in the Philippines, with the date of arrival being the first day.”

 

 

Sa ibang usapin naman, pinayagan na ng  IATF ang mga  foreign nationals na may hawak na Special Resident Retiree’s Visa nanpumasok ng Pilipinas na walang kakailanganing entry exemption document.

 

 

At sa huli ay pinayagan na ng  IATF ang Philippine Racing Commission ng dalawang  racing days simula Hulyo 1, 2021, “subject to approved health and safety protocols” at paggamit ng  “fully functional contact tracing application/s of off-track betting stations.” (Daris Jose)

Other News
  • Weekend fun at kulitan, kasama ang mag-iina: Atty. MICHAEL at BORGY, muling nakipag-bonding sa vlogs ni Sen. IMEE

    BINUBUKSAN ni Senadora Imee Marcos ang buwan ng Disyembre sa pamamagitan ng isang espesyal na back-to-back weekend na hitik sa kasiyahan at tawanan na bonding kasama ang kanyang mga anak na sina Attorney Michael Manotoc at Borgy Manotoc sa kanyang official YouTube channel.     Kahapon, Disyembre 2 (Biyernes), pinagbigyan ni Sen. Imee ang most […]

  • PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

    BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.       Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]

  • 3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH

    Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19.     Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Du­que III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. […]