DAVID, nagbiro na matagal nang inaaya si JULIE ANNE; loveteam posibleng mauwi sa totohanan
- Published on May 10, 2021
- by @peoplesbalita
KINIKILIG ang mga fans at mga netizens na tagasubaybay ng romance-drama series na Heartful Cafe ng bagong GMA Network’s love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco.
Napapansin na raw kasi na hindi na acting ang kilig na ipinapakita nina Julie at David, minsan daw ay parang hindi na scripted ang ginagawa nina Heart (Julie Anne) and Ace (David).
Kaya ang tanong daw, pwede bang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan, dahil pareho naman silang single at walang nababalitang bagong boyfriend si Julie after ng break-up nila ni Benjamin Alves years ago.
Wala rin namang nababalitang may girlfriend si David.
Okey lamang ba iyon kay Julie? “Ako, never naman ako naging sarado, I mean, I’m open to any possibilitay naman. And, yes. If there’s a chance, to get to know him more, I mean, why not?”
At mukha namang open din si David, kahit pabiro ang sagot niya: “Ang tagal ko na ngang inaaya si Julie. Nasa sa kaniya na lang kung oo o hindi.”
Huwag kaligtaang panoorin ang love story nina Heart at Ace sa Heartful Cafe gabi-gabi sa GMA-7 after ng First Yaya.
***
MAY bago palang pinagkakaabalahan ngayon si Kapuso actress Glaiza de Castro dahil tapos na ang lock-in taping niya ng bago niyang GMA Afternoon Prime drama series na Nagbabagang Luha.
Nagtayo kasi ng isang coffee shop si Glaiza sa kanilang lugar sa Baler, Quezon, kung saan madalas siya kapag wala siyang ganap sa Manila.
Naka-post na sa kanyang Instagram ang kanyang newest venture, ang Cafe Galura (Galura ang real surname ni Glaiza): “Been working on this project since the start of the year with faith that one day, we will be able to welcome you all here. We’re slowly trying to complete everything for now and have been fitting out the interior of our cafe. Any recommendations on tables and chairs are welcome!”
Ang nakakatuwa, bukod sa nakakamanghang interior ng soon-to-open cafe ni Glaiza, mismong ang Irish fiancé niya, si David Rainey ang maghahanda ng coffee dahil sa kaniyang background sa coffee business.
Kaya naman nagdarasal na rin si Glaiza na muling magluwag na ang pagbibiyahe mula abroad papunta sa Pilipinas para makabalik sa bansa si David.
Very soon ay mapapanood na si Glaiza bilang si Maita sa Nagbabagang Luha, remake ng movie na dating nagtampok kina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Alice Dixson.
Ngayon ay gagampanan ang characters nila nina Glaiza, Rayver Cruz at Claire Castro, respectively.
***
MUKHANG mag-I-enjoy ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na first time magiging hosts ng isang bagung-bagong musical matchmaking competition ng GMA-7 na Sing For Hearts.
Nakakatuwa, simula pa lamang nang mag-announce na ang GMA ng online audition na ang mga interesadong contestants dapat ay single at not in a relationship, marami na ang nagtatanong kung makakakuha raw kaya sina Mikael at Megan ng maaaring maging magka-match sa programa?
Very soon ay magsisimula na itong umere. May nagsasabing baka raw palitan nito ang Centerstage hosted ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil nalalapit na ang grand championship ng Bida Kids singing competition na napapanood every Sunday evening sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)
-
Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight
Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics. Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na […]
-
Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis
Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida. Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3. Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon. Maglalaro pa […]
-
Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na
INIHAYAG ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”. Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba. Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces. Nauna nang […]