DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung emergency o humanitarian reasons.
Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry exemption na inisyu ng ibang ahensiya bago ipatupad ang travel ban ay hindi maaring gamitin upang makapasok ng bansa sa ipinapatupad na heightened travel ban na nagsimula noong March 22 hanggang April 21.
“The IATF resolution clearly states that only the NTF chair or his authorized representative may approve requests to allow the entry of foreigners on emergency, humanitarian and analogous cases,” ayon sa BI Chief.
Binigyan diin pa ni Morente na ang isang dayuhan ay pinapayagan na pumanta dito ng NTF kung mayroon itong balidong visa sa sakong araw ng kanyang pagbiyehe.
Klinaro it ng ng BI Chief kasunod sa ulat na maraming dayuhan na walang NTF-issued entry exemptions ay hindi pinayagang [pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero sinuguro nito na ang travel restriction ay pansamantala lamang kasunod ng bagong pagtaas ng kaso ng Covid 19.
“We hope that after this spike, the number of cases continue to downtrend, so we may be able to revive the international travel and tourism sector,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)
-
Sixers pinatawan ng $100-K ng NBA dahil sa hindi tamang pagdeklara sa lagay ng kalusugan ni Embiid
PINATAWAN ng NBA ang Philadelphia 76ers dahil sa mga maling impormasyon ukol sa lagay ng kalusugan ng kanilang star player na si Joel Embiid. Matapos ang inilabas ng koponan na nagkaroon ng pamamaga sa kaniyang kaliwang tuhod si Embiid ay nagsagawa agad ang NBA ng imbestigasyon. Lumabas na wala namang nalabag […]
-
Pagpupugay ng mga kaibigan at nakasama ni FVR patuloy ang pagbuhos sa burol nito sa Heritage Park
PATULOY pa rin ang pagdalaw ng mga malalapit na kaibigan sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park, Taguig City. Nitong gabi ng Linggo ay nagbigay pugay ang ilang mga kaibigan na mula pa sa ibang probinsiya at ilang mga lider mula sa progresibong grupo. Ilan sa mga […]
-
Kapuso couple Juancho Trivino and Joyce Pring sa bagong bahay na nila magpa-Pasko
Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring o mas kilala na Juanchoyce. Tamang-tama lang daw ang paglipat nila dahil malapit na ang Pasko at baka nag-celebrate sila with their family sa new house. “Simple lang. Actually, we haven’t planned yet pero gusto namin intimate […]