Kapuso couple Juancho Trivino and Joyce Pring sa bagong bahay na nila magpa-Pasko
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring o mas kilala na Juanchoyce.
Tamang-tama lang daw ang paglipat nila dahil malapit na ang Pasko at baka nag-celebrate sila with their family sa new house.
“Simple lang. Actually, we haven’t planned yet pero gusto namin intimate lang with some of our friends and family,” sey ni Juancho.
Sey naman ni Joyce na iniisip nila ang safety ng bawat family members nila ni Juancho kaya limited to a few people ang invited sa bahay at videocall na lang daw yung iba.
“Kailangan siyempre safety first pero gusto pa rin namin ma-celebrate ‘yung Christmas. Feeling namin kailangan pa rin ng videocall barkada parties. Konting celebration with our family dito siguro sa bahay.”
Kinasal sina Juancho at Joyce noong nakaraang February, one month bago nagsimula ang lockdown at quarantine sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
*****
Matagal din daw hindi umarte si John “Sweet” Lapus sa isang teleserye dahil two years itong nag-concentrate sa pagdidirek sa ABS-CBN.
Kaya medyo nag-adjust ulit siya sa pagiging aktor para sa TV5 Chrismaserye na Paano Ang Pasko?
“Honestly, nong tinawagan ako ng Star Magic for this show, akala ko kinukuha akong director. Nakalimutan ko na artista din nga pala ako. Two years na din kasi nakalipas from my last soap na Since I Found You with Piolo Pascual and Arci Muñoz.
“Noong una, kinabahan ako. So kailangan maghanda, ar script at characterazation. Salamat sa aking theater background madali ko naman gisingin ang acting prowess ko.
“Thank God mga actor/director din ang mga director namin na si Direk Eric Quizon at Direk Ricky Davao. Si Direk Percy Intalan naman ay matagal ko nang kilala kasi boss ko siya sa mga shows ko dati sa TV5.
“At napakaganda at klaro ng story at mga character ni Direk Jun Lana at ng kanyang writing team. At dahil 12 to 14 hours na lang ang taping (as per IGA new normal protocol) dapat mahusay ka mag-memorize, makinig ng instruction at umarte. Nakakahiya sa mga tao ‘pag hindi ka handa.”
Pahinga raw muna si Sweet sa pagdidirek habang may teleserye siyang ginagawa. Huli niyang directorial job ay ang Kadenang Ginto.
”Mukhang extended ang Paano Ang Pasko? until next year, so pause muna ang pagdidirek. Pwede pa naman ako tumanggap ng writing job or creative consulting, like what i did sa Wansapanataym at The Mall The Marrier.
“Abala din kasi ako now sa vlog ko sa YouTube na Korek Ka John TV. Please subscribe, like and share. Maganda ang mga segments ko doon. May “Gusto Mo Ba Mag Artista?”, tips on how to join showbiz.
“Bilang insider naman ako for than 25 years, e may K naman ako mag-advise.
“Meron “One Sweet Day”, eto yung daily experince ko taping in the new normal. At next week meron na kaming “Star Starts”, history kung pano nagsimula at sumikat ang isang young star or social media star. Pilot interview ko si Elijah Canlas. Napakahusay na bata!”
*****
Naospital ang Hollywood actor na si George Clooney nang gawin niya ang pelikulang The Midnight Sky.
Sa kanyang role bilang isang scientist sa naturang sci-fi thriller, kailangan niyang magbawas ng 30 lbs. Ang resulta ng kanyang pagpapapayat ay ang pagkakaospital niya with pancreatitis.
“I think I was trying too hard to lose the weight quickly and probably wasn’t taking care of myself. It took a few weeks to get better, and as a director, it’s not so easy because you need energy. We were out on this glacier in Finland, which made it a lot harder work. But it certainly helped with the character.
“It was cold and there was nothing you could do to get warm. I had ice in my beard and to keep it in my beard, I’d have to take a squirt bottle of water and ride around on my snowmobile and just keep blasting myself in my face until my face would freeze up again. It’s tough to direct yourself in a snowstorm.”
The Midnight Sky streams on Netflix December 23. (Ruel J. Mendoza)
-
Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde
IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde. Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023. Kasama […]
-
Isang daang libong sasakyan , maaaring mabigyan ng prangkisa ayon sa LTFRB
PLANO ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory board na dagdagan pa ang mga Transport Network Vehicles Services na mabibigyan ng prangkisa. Sa ilalim ng planong ito ay papayagan ng LTFRB na makakuha ng prangkisa ang 100,000 na sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng libo-libong pasahero sa Metro Manila. Ayon kay […]
-
Paramount officially delays ‘Mission: Impossible 7′ to September 2022, ‘Top Gun: Maverick’ to May 2022.
THE Mission: Impossible 7 release date has been delayed to September 2022. Beginning production in early 2020, the upcoming action sequel has been one of the many Hollywood projects greatly impacted by the ongoing COVID-19 pandemic. Filming has been shut down multiple times, prompting studio Paramount to sue Mission: Impossible 7’s insurance company. The movie has […]