DBM, aprubado ang paglikha ng 89 plantilla positions sa National Museum
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang naging kahilingan ng National Museum of the Philippines (NMP) para sa ‘organizational at staffing changes’ kabilang na ang paglikha ng 89 karagdagang permanent positions.
Ang pagpayag ng DBM ay pagkilala sa mahalagang papel ng cultural heritage at kasaysayan sa economic development ng bansa at para tumulong na madagdagan ang operasyon ng National Museum.
“We believe that these organizational and staffing changes will significantly enhance the National Museum’s operations, allowing the agency to better serve the public and fulfill its mission to preserve and promote our cultural heritage,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“Nais po ni Pangulong Bongbong Marcos na kasama sa ating national agenda ang pagpapalakas sa turismo at pangangalaga sa ating pagkakakilanlan. Kaya naman po patuloy pong bibigyang suporta ng DBM ang NMP at mga programa nito,” dagdag na pahayag ng kalihim.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11333 o National Museum of the Philippines Act, “the NMP is regarded as the primary institution for the management and development of museums and collections of national scope or significance in the areas of arts, cultural heritage, and natural history, to protect, preserve, study, and promote national patrimony.”
“The creation of 89 plantilla positions in various units of the NMP across the country will support the existing staff of the agency, as well as further enhance its operations,” ayon sa departamento.
Ang iba pang organizational modifications na inaprubahan ng DBM ay ang pagbabago sa nomenclature ng nakatitiyak na unit upang malinaw na ipahiwatig ang ‘specific roles, functions, at activities’ nito at maging ang ‘reclassification at conversion’ ng siguradong posisyon para suportahan ang NMP sa pagganap sa mahalagang tungkulin gaya ng pagbibigay ng ‘lectures/gallery talks, paghahanda ng reports at iba pang dokumento, at pagsasagawa ng iba pang technical at general support-related tasks.
Samantala, inaprubahan din ang paglilipat ng ilang posisyon mula sa isang unit tungo sa iba pa.
Nakapaloob naman sa Notice of Organization, Staffing and Compensation Action na ipinalabas ng DBM ang pag-apruba sa ‘organizational at staffing modifications’ ng museum noong May 21, 2024. (Daris Jose)
-
Ads August 23, 2023
-
Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA
NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista. Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing. Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General […]
-
Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat
BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod. Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas […]