DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.
Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at contract of service para maipatuloy ang mga transaksyong nabinbin sa gobyerno.
Dahil umano sa COVID-19 pandemic ay maraming mga transaksyon at trabaho sa gobyerno ang naantala matapos na tumigil ng ilang araw ang trabaho dulot ng pandemic.
Nakatakda sanang magtapos ang pagkuha at serbisyo ng mga kasalukuyang job orders at contractual hanggang sa katapusan ng Disyembre 2020.
Sa bagong DBM-COA joint circular ay mayroon ng pagkakataon ang mga government agencies, government owned-or controlled corporations (GOCC), constitutional bodies at state universities and colleges (SUC) na kumuha ng mga contractual at job orders o palawigan pa ang kontrata ng mga ito hanggang Disyembre 31, 2022.
-
Ads August 8, 2024
-
Ads January 8, 2021
-
Morales hindi sisibakin ni Duterte– Palasyo
Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation. Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian […]