DBM, ipinalabas ang mahigit sa ₱8 bilyong cash allocation para sa rice farmers’ subsidy
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga eligible na rice farmers.
Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng ₱8,053,474,140 sa Department of Agriculture (DA).
“This will fund the distribution of the ₱5,000 subsidy for more than 1.5 million rice farmers affected by the impact of the Rice Tariffication Law on the third and fourth quarter of 2022,” ayon sa DBM.
Alinsunod din ito sa implementasyon ng ₱3 billion Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) program na nagbibigay ng financial support sa mga small-time rice farmers.
“Our farmers deserve our help and care. The immediate release of cash assistance could provide relief to our rice farmers given the recent natural calamities they experienced,” ayon kay Pangandaman.
Ang unconditional cash aid ay maaari ring makatulong sa mga rice farmers sa pagbili ng rice inputs gaya ng fertilizer at farm machinery.
Sakop din ng NCA ang “service fee” kabilang na ang halaga ng card generation, Rice Competitive Enhancement Fund-RFFA sa ilalim ng Development Bank of the Philippines. (Daris Jose)
-
Ads October 4, 2024
-
Nagulat na napiling maging part ng ‘Voltes V’: JULIE ANNE, na-challenge sa pagkanta ng OG Japanese theme song
SI Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang napiling kumanta ng original Japanese theme song ng “Voltes V: Legacy.” Ikinagulat iyon ni Julie Anne at nasabi niyang, “parang wow!” from ‘Maria Clara’ tapes ngayon naman, ‘Voltes V’ siyempre isang malaking karangalan talaga kasi I’m singing it in Japanese, like ‘yung mismong theme song […]
-
Witness-suspects vs Teves, ‘umaatras’
BIGLA umanong nanahimik ang mga testigong suspek laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. dahilan para muling maantala ang paghahain ng kasong murder sa kongresista. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang muling ‘delay’ sa pangako nilang pagsasampa ng kaso kahapon ng Lunes ay dahil sa pagtanggi nang makipagkooperasyon […]