• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, ipinalabas na ang P6.2B monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya

SINABI ng  Department of Budget and Management (DBM) na ipinalabas na nito ang P6.2 bilyong piso para sa P500 monthly cash aid para low-income families.

 

 

Layon nito  na pagaanin ang paghihirap ng mga nasabing pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa gitna ng patuloy na tumataas na presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.

 

 

Ang ipinalabas na halaga ay para sa Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Buwan ng Marso nang ipag-utos ni  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na taasan ang cash aid sa P500 mula sa P200.

 

 

Inamin ni Duterte na maging siya ay naliliitan sa P200 halaga ng dagdag na ayuda para sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa kada buwan.

 

 

Iyon nga lamang, hanggang sa magtapos ang termino ni Duterte noong Hunyo 30 ay hindi naipamahagi ang  cash assistance.

 

 

“The cash subsidy will be distributed to six million beneficiaries from the poorest 50% of the country’s population “to help them cope with rising prices of fuel and other commodities,” ayon sa  DBM.

 

 

“Specifically, this includes four million households enrolled under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) and two million social pension beneficiaries,” dagdag na pahayag ng DBM.

 

 

Ang mga benepisaryo ay makatatanggap ng P500 na monthly cash subsidies sa loob ng anim na buwan, ipamamahagi sa tatlong tranches.

 

 

“This implies they are expected to receive P1,000 for the first tranche, which will be distributed through the cash cards issued by the LandBank of the Philippines or other approved modes of distribution,” ayon sa DBM.

 

 

“The DBM will ensure the timely and prudent release of funds and work closely with all implementing agencies to help ease the burden of the vulnerable population most affected by global crises,” anito pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China

    ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US.     Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US.     Nabatid na unang nag­labas ng kautusan […]

  • Nalalabing araw sa Olympic torch relay iiwas muna sa public roads

    Balak ngayon ng mga otoridad na baguhin ang unang walong araw ng Olympic torch relay sa siyudad ng Tokyo dahil sa pangamba sa hawaan sa COVID-19.     Ayon sa mga organizers iiwas muna sila sa mga matataong lugar o public roads para makaiwas din sa super spreader events.     Inaasahan kasi na sa […]

  • Batangas, Pampanga may pagsipa sa COVID-19 cases kahit nasa labas ng ‘bubble’: OCTA

    Nababahala ang independent group na OCTA Research sa tumataas ding kaso ng coronavirus (COVID-19) sa mga lugar na nasa labas ng tinaguriang NCR (National Capital Region) Plus bubble.     Kabilang na rito ang mga lalawigan ng Pampanga at Batangas.     Batay sa pinakabagong report ng OCTA, tumaas ng 141% o 150 ang bilang […]