• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.

 

 

Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.

 

 

Ayon sa DBM, gagamitin ang nasabing halaga para bayaran ang kulang o natira noong 2020 para sa  Covid-19 allowance at kompensasyon ng mga health at non-healthcare workers.

 

 

“This is in accordance with the Bayanihan to Heal as One Act (R.A. 11469), Bayanihan to Recover as One Act (R.A. 11494, and Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act (R.A. 11712),” ayon sa DBM.

 

 

Sa P19.96 billion na ipinalabas na pondo, sinabi ng DBM na P7.39 billion  ang nagamit na ng Department of Health (DOH) “as of March 31, 2023.”

 

 

“The DBM wishes to reiterate that there is no delay in the release of the budget for the said program,” ayon sa departamento.

 

 

“The DBM remains committed to continue helping provide the support needed by our healthcare workers for their invaluable lifesaving work,” dagdag na pahayag ng DBM.

 

 

Samantala, nagpalabas naman ng paglilinaw ang DBM matapos sabihin ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na kailangang maghanap ng paraan ang Department of Health at DBM  na maipalabas ang  P2 billion na naantalang  health emergency allowances para sa mahigit sa  20,000 medical frontliners.

 

 

“Rest assured that we will continue to coordinate with the DOH to ensure that the released funds will be disbursed accordingly,” ayon sa  DBM.

 

 

“We shall fully adhere to the marching order of President Ferdinand R. Marcos Jr. to continue granting our healthcare workers the necessary compensation entitled to them,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • Asawa na si Mikee, naglabas din ng saloobin: ALEX, piniling manahimik after na mag-sorry sa maling nagawa

    SI Lipa City Councilor Mikee Morada, ang humingi ng dispensa tungkol sa viral icing-smearing video involving his wife, Alex Gonzaga.      Sa kanyang personal facebook account:     “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration.  Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais kong sabihin kung […]

  • Sila ang itatapat ng Siyete sa ‘Eat Bulaga’: VICE, tila may pahiwatig na sa posibleng paglipat ng ‘It’s Showtime’

    MULA sa ABS-CBN insider ay nalaman naming on going ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA-7. Kung maging positibo ang pag-uusap ngayon between ng management ng GMA at ng mga big boss ng mga namamahala ng programang “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na ito mapapanood hosted by Vice Ganda, […]

  • Sa trending at top-rating na ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE at JULIE ANNE, pinupuri ng netizens ang ‘method of acting’

    PANIBAGONG challenges ang sasalubong kay Klay (Barbie Forteza) ngayong parte na siya ng pamamahay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa trending at top-rating GMA primetime series na ‘Maria Clara at Ibarra.’   Habang sinusubukan ni Maria Clara na turuan si Klay ng kagandahang-asal at mga pamantayang mahigpit na dapat sundin ng kababaihan, patuloy […]