• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors

MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na  monthly social pension ng indigent senior citizens.

 

 

Mula kasi sa P500 ay  P1,000 na ang matatanggap ng mga ito.

 

 

Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno.

 

 

“To be honest, we are in a very tight fiscal position due to muted revenue caused by the pandemic. Ibig sabihin po niyan kakaunti na lang ‘yung ating legroom para sa pag-accommodate ng mga bagong proyekto,” ayon kay DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran.

 

 

Makikita sa data mula sa Bureau of the Treasury na ang fiscal performance ng pamahalaan sa buwan ng Hunyo ay ” deficit of P215.5 billion, wider by 43.81% year-on-year, as state spending exceeded revenues during the period.”

 

 

At dahil ang batas ay isa ng ganap na batas, kaagad na ipinag-utos ni  Budget Secretary Amenah Pangandaman sa ahensiya na maghanap ng pondo para sa programa.

 

 

Sa ilalim ng  Republic Act 11916, “private entities that will have senior citizens as employees shall be entitled to an additional deduction from their gross income, equivalent to 15% of the total amount paid as salaries and wages to senior citizens subject to the provision of Section 34 of the National Internal Revenue Code as amended.”

 

 

“DBM will find the way to fund this program,” ayon kay Libiran.

 

 

“Buo naman po ang suporta ng DBM sa mga ganitong klase ng proyekto lalo na po kung ang layunin nito ay makatulong sa mga nangangailangan,” aniya pa rin

 

 

“Based on consultations with senior budget officials, the increased social pension for the elderly program can be funded through the miscellaneous personnel benefits fund (MPBF), pension gratuity fund, or unprogrammed funds, ang dagdag na pahayag ni Libiran sabay sabing “Ire-recompute ang mga budget on that at kapag may excess, then we can realign that at ilagay sa budget ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) para doon sa programa.”

 

 

Samantala, binigyan naman ng batas ng mandato ang  DSWD, bilang  implementing agency, na rebyuhin at kung kinakailangan ay i-adjust ang halaga ng social pension kada dalawang taon matapos na maging epektibo ang batas “subject to the approval of the DBM and in consultation with other stakeholders.”

 

 

Sinabi pa ni Libiran na hihintayin ng DBM ang “implementing rules and regulations” ng batas na gagawin ng  National Commission of Senior Citizens na may konsultasyon sa  DBM at DSWD at maging ang  validated list ng mga benepisaryo upang makapaglaan ng pondo ang departmento sa programa. (Daris Jose)

Other News
  • Gamitan ng pangalan ng mga politiko para makakuha ng contract purchase sa gobyerno, kinastigo ni PDu30

    Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao,” diing pahayag ng Pangulo.   Sinabi ng Pangulo na kung alam naman ng isang tao na diretso siya, maganda ang kontrata, kumpleto, walang kulang ay walang […]

  • Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem

    OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.     Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]

  • IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply

    IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply ng isa sa tatlong bagong bukas na pumping station na matatagpuan sa Judge Roldan sa Brgy. San Roque, kasunod ng blessing at inauguration nito. (Richard Mesa)