• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gamitan ng pangalan ng mga politiko para makakuha ng contract purchase sa gobyerno, kinastigo ni PDu30

Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Sinabi ng Pangulo na kung alam naman ng isang tao na diretso siya, maganda ang kontrata, kumpleto, walang kulang ay walang dahilan para kumbinsihin niya pa ang isang taga-pamahalaan na paboran pa siya sa ilegal na pamamaraan.

 

“Wala — marami ito umiikot. Marami. Ang NBI nito may nahuhuli araw-araw. Ngayon ang — para matapos na ito, lahat sa NBI pati pulis, sa lahat na mahuli ninyo sa mga ganoon dalhin ninyo sa opisina ko. Gusto ko lang silang kausapin. Gusto ko silang makausap bakit ganyan ang hanapbuhay nila kasi lokohan eh. Iyan ang problema diyan. Alam mo, walang nagpapaloko — walang, walang naloko kung walang magpapaloko,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Kaugnay nito, tinaagan ng pansin ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-dobleng oras na hulihin ang mga taong gumagawa ng ganitong panloloko gamit ang proyekto ng pamahalaan.

 

“Hulihin ninyo ito tapos kung ano, ma-detain ninyo ‘yan sa gabi, wala pa naman ‘yung — bago ninyo dalhin sa korte to — for filing of the cha — idaan mo nga sa Malacañan. Tignan ko lang ang pagmumukha nito.,” ang pahayag ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Higit 4M katao apektado ni Ulysses — NDRRMC

    Umabot na sa apat na milyon ang residenteng naapektuhan ng bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa report ng NDRRMC, pumalo ang kabuuang bilang sa 4,079,739 katao habang 995,476 pamilya ang apektado sa 6,644 barangay sa buong bansa. Karamihan dito ay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, […]

  • Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan

    SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta.     Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers.     Pero […]

  • ANNE, nilait ng netizens sa paghahanap ng ‘good script’ para sa gagawing pelikula at teleserye

    LAST week pinakalma ni Anne Curtis ang mga Kapamilya forever fans na wala siyang planong lumipat sa Kapuso Network tulad ng ginawa ni Bea Alonzo, matapos na lumabas na nakipag-meeting siya sa mga executives ng GMA Films.     This week, isang netizen naman ang sinagot niya na nag-tweet na nami-miss na raw siyang mapanood […]