• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, naglaan ng P783 milyong piso sa 2024 NEP

UPANG magawa at maisakatuparan ang implementasyon ng iba’t ibang programa  at polisiya tungo sa pagsusulong ng  Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME), inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman  na naglaan ito ng P783 milyong piso para sa MSME Development Program sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Mula sa naturang alokasyon, P100 milyong piso ang mapupunta sa  Digitalization Program ng MSMEs para mapabilis ang pagsusulong at magawang palawakin ang merkado nito sa pamamagitan ng digitalisasyon.

 

 

“As I always say, our micro, small, and medium enterprises (MSMEs) serve as the building blocks of our country’s economy. And so following the directive of President Bongbong Marcos, we will help attract more investments and create more jobs by promoting more competitive and innovative industries, particularly among the MSMEs,” binigyang-diin ni  Pangandaman.

 

 

“To further support and supply resources that will foster entrepreneurship, promote local products, and enhance the capabilities of MSMEs, the government will invest in locally-funded projects such as the establishment of Negosyo Centers, which has a proposed budget of P454 million,” ayon sa DBM.

 

 

Samantala, para sa implementasyon ng Shared Service Facilities Project, may inilaan ang DBM na P579 milyong piso para rito at  para naman sa One Town, One Product Next Generation Project, ay P76 milyong piso ang inilaan ng departamento.

 

 

Sa kabilang dako, inaasahan na makikinabang naman ang  40,000 MSME borrowers mula sa Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso (P3) Program of the Small Business Corporation,  P1.5 bilyong pisong budget ang inilaan ng DBM para rito.

 

 

Layon ng nasabing inisyatiba ang magbigay ng tinatawag na ‘viable alternative financing options’ sa micro-entrepreneurs habang sinisiguro ang ‘accessibility at sustainability’ sa isinusulong nitong paglago at progreso.

 

 

“Recognizing that Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) constitute a significant portion of the country’s business landscape, this Administration remains committed to supporting their growth, especially as we recover from the economic scarring of the pandemic,” ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  sa kanyang Budget Message.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 19, 2022

  • Yakapan at pakikipagkamay sa court, bawal sa mga players – NBA

    Muli na namang naglabas nang warning ang NBA sa mga players na mahigpit na nagbabawal sa physical contacts lalo na at ilan na namang players ang nahawa sa coronavirus.     Kaugnay nito naglabas ng memo ang NBA sa mga teams upang ipaalala ang pagbabawal sa ginagawang kalakaran na high fives ng mga players, yakapan […]

  • Obiena nagtatak ng PH record

    TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8.     Patotoo ang magarang umpisa niya sa taong 2021 sa pagtatala ng bagong national indoor pole vault record maski […]