Yakapan at pakikipagkamay sa court, bawal sa mga players – NBA
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Muli na namang naglabas nang warning ang NBA sa mga players na mahigpit na nagbabawal sa physical contacts lalo na at ilan na namang players ang nahawa sa coronavirus.
Kaugnay nito naglabas ng memo ang NBA sa mga teams upang ipaalala ang pagbabawal sa ginagawang kalakaran na high fives ng mga players, yakapan at pakikipagkamay.
Sakop din ang pagbabawal ng mahabang postgame conversations.
Ayon sa NBA, maaari umanong gawin ng mga players bilang options ay gamitin ang kanilang mga siko o kaya kamao sa pagbati sa mga kasama.
Ginawa ng NBA ang hakbang matapos na panibagong 11 mga players ang nagpositibo sa COVID-19.
Liban nito, umaabot na rin sa 16 na mga games ang kinansela mula nang magbukas ang bagong season noong buwan ng Disyembre.
-
Pinas, makakatanggap ng $250-M loan
NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine. Inanunsyo ng ADB, araw ng Lunes na inaprubahan nito ang loan agreement, pinapayagan ang Pilipinas na bumili ng 40 milyong karagdagang doses ng COVID-10 vaccines para sa mga […]
-
Ads June 18, 2021
-
QC Mayor Belmonte muling nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa ikalawang pagkakataon si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sinabi nito na nakaranas siya ng mild symptoms at kasalukuyang naka-quarantine sa isang pasilidad ng lungsod. Dagdag pa nito na hindi niya akalain na magpositibo siya ulit matapos ang walong buwan ng unang nagpositibo sa nasabig virus. Tiniyak naman […]