• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Guzman naaatat nang umarangkada

MALAKING perwisyo para sa mga atleta ang mag-iisang taon na sa Marso na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mundo at sa bansa dahil sa kanseladong mga sporting event.

 

 

Ilan na rito ang triathlon, swimming, cycling, running at iba.

 

 

Kaya naman katulad ng kapwa niya mga manlalaro, miss na ring tumakbo ni Iron Lady-marathoner-blogger Noelle De Guzman (also known as Kikay Runner).

 

 

Sa Instagram post ng 36-year-old, 5-foot-3, Parañaque City native pero Pasig City-based na dalagang tapos ng Political Science cum laude at Media Studies  Journalism sa UP-Diliman,, isang throwback photo ang pinaskil niya.

 

 

“I hope we can race again soon. I miss that feeling of pushing myself to the limit to get across an actual finish line,” bulalas niya.

 

 

Pero kahit walang mga karera, nagtitiyada si KR na patuloy na nasa wastong porma ang katawan sa regular workouts niya sa condo unit. (REC)

Other News
  • PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho

    NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang isang executive order (EO)  na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas  kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.”  Sa isang pagpupulong sa  State Dining Room,  ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual  […]

  • Ads February 17, 2023

  • Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM

    TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.     Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino […]