De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL).
“Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 na taon, 5-9 ang taas na middle hitter na si De Leon para sa dating alas ng Petron Blaze Spikers na si Lazaro nitong isang araw.
Noong isang taon dapat pa dapat muling magkakampi ang former Ateneo de Manila University teammates, pero naantala ang 29 anyos at may taas na 5-5 na libero dahil sa Coronavirus Disease 2019.
“We’re so pumped up to be back together,” hirit pa ni De Leon na ipinanganak sa marikina Marikina at minsan na rin nag-national player.
“I always love sharing the court with ate Den (Lazaro). It’s been a while. I would love to be in the same side of ate.”
Ang pagsasama ng dalawa sa Lady Eagles ang nagpakopo rito ng korona sa 77th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2014-15 sa pagwalis sa 16 games.
Nag-semi-professional PVL si Lazaro saka nag-semi-pro PSL bago babalik sa PVL na isa ng professional league na simula sa taong ito. (REC)
-
Malaki rin ang pasasalamat kay Mother Lily… ICE, proud na proud sa parangal na natanggap ni LIZA sa Luna Awards
PROUD na proud na ibinahagi ni Acoustic Icon Ice Seguerra sa kanyang Facebook account ang parangal na natanggap ng loving wifey at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño. Kasama ang larawan na kuha awards night na kung saan pinarangalan si Liza ng FPJ […]
-
Manager na si Vice, tahimik at wala pang pasabog: AWRA, maraming nakiki-simpatiya at nanawagan ng hustisya
SA ngayon, nakukuha ni Awra Briguela ang majority na simpatiya ng mga kaibigan niyang artista, influencers na nagpo-post sa kani-kanilang mga social media accounts na “Justice for Awra.” Ilan sa mga artista ang talagang nagpaparating ng buo nilang suporta kay Awra na mabuti talaga itong kaibigan at hindi nito deserve ang nangyayari […]
-
Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate
TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate. Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate. Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]