• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli

NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL).

 

 

“Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 na taon,  5-9 ang taas na middle hitter na si De Leon para sa dating alas ng Petron Blaze Spikers na si Lazaro nitong isang araw.

 

 

Noong isang taon dapat pa dapat muling magkakampi ang former Ateneo de Manila University teammates, pero naantala ang 29 anyos at may taas na 5-5 na libero dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

 

“We’re so pumped up to be back together,” hirit pa ni De Leon na ipinanganak sa marikina Marikina at minsan na rin nag-national player.

 

 

“I always love sharing the court with ate Den (Lazaro). It’s been a while. I would love to be in the same side of ate.”

 

 

Ang pagsasama ng dalawa sa Lady Eagles ang nagpakopo rito ng korona sa 77th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2014-15 sa pagwalis sa 16 games.

 

 

Nag-semi-professional PVL si Lazaro saka nag-semi-pro PSL bago babalik sa PVL na isa ng professional league na simula sa taong ito. (REC)

Other News
  • APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC

    TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30.     Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa  Mayo 2022.     Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga […]

  • Sapatos na ginamit ni Michael Jordan sa kanyang rookie season, naibenta sa halagang P47-M

    Naibenta sa halagang $1,472,000 o katumbas ng P74,689,280 ang sapatos ng sinasabing greatest of all time (GOAT) at NBA superstar na si Michael Jordan.     Ang sneakers na ginamit ni Jordan ay nakapagtala ng auction record para sa game-worn footwear.     Ang kombinasyon ng red-and-white shoes ay ginamit ng iconic player sa ika-limang […]

  • CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers

    HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016.     Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]