De Los Santos hakot ng 3 golds
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
“It’s raining golds” ang bumungad para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos sa araw ng Martes nang kumana ito ng tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa hiwa-hiwalay na torneo.
Tunay na humanga sa galing ng Pinoy karateka ang mga hurado matapos nitong ilatag ang kanyang world-class performance sa E-Karate Games 2020 third edition, second Euro Grand Prix E-Tournament 2020, at Rome International ENDAS Karate Cup.
Hindi nakaporma sa tikas ni De Los Santos si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa gold-medal match, 25.5-23.6, para makuha ang ginto sa E-Karate Games 2020 third edition.
Tuloy ang mainit na ratsada ng Cebu City pride sa second Euro Grand Prix E-Tournament 2020 matapos patumbahin si Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.3-23.6, tungo sa gold-medal performance.
Magarbong tinuldukan ni De Los Santos ang three-tournament rampage nito sa Rome International ENDAS Karate Cup kung saan iginupo ng Pinoy karateka si Alfredo Bustamante ng Amerika, 25.1-24.
Umabot na sa 29 gintong ang nalilikom ni De Los Santos sa online tournaments upang kapitan ng husto ang unang puwesto sa world rankings.
Hindi matinag si De Los Santos sa No. 1 spot tangan ang 13,745 puntos habang nasa malayong ikalawang posisyon si Eduardo Garcia ng Portugal (8,890) at ikatlo naman si Moreno (6,990).
-
Ads June 13, 2022
-
Hindi rin natuloy si PIOLO sa ‘366’ dahil sa schedule: LIZA, first choice ni BELA nagka-problema lang dahil sa pandemya
SI Liza Soberano pala ang first choice ni Bela Padilla sa kanyang directorial debut na 366 na mapapanood through streaming sa Vivamax. Ayon sa naging pahayag ni Bela, “The film, 366, wasn’t meant for me. I didn’t want to act in it because I was told I was going to direct it, so […]
-
NAIA sasailalim sa mga pagbabago
NATAPOS na ang turn-over ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa bagong pribadong operator, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na naatasan na gumawa ng mga pangunahing rehabilitasyon dito na nagkakahalaga ng P170.6 billion. Gagawin ang rehabilitasyon sa loob ng 15 taon. Sisimulan ang mga pagbabago sa loob ng susunod na 12 buwan […]