• October 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline ng SIM registration, sa Abril 26

NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas.

 

Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023.

 

Gayunman, may ilang users ang nagpahayag ng kalituhan kung ang deadline nito ay papatak ng Abril o Hunyo.

 

Paglilinaw naman ng regulators, ang deadline ay hindi nagbabago at nananatiling Abril 26, 2023.

 

“Said deadline is in line with the provisions of Republic Act No. 11934, or the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, which states that ‘All existing SIMs subscribers shall register the same with their respective PTEs within one hundred eighty (180) days from the effectivity of this Act’,” anila pa, sa isang pahayag.

 

Sinabi pa ng mga naturang ahensiya na nakasaad sa batas na magiging epektibo ito 15-araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation.

 

Anila, nilagdaan ito noong Oktubre 10, 2022 at nailathala sa Official Gazette noong Oktubre 12, 2022 at sa isang pahayagan noong Oktubre 13, 2022 naman.

 

“It therefore took effect 15 days after such publication, or no later than 28 October 2022,” dagdag pa nito.

 

Sinabi pa ng DICT na bagamat maaari nilang palawigin ang registration, ang goal pa rin nila sa ngayon ay matapos ito sa orihinal na deadline.

 

Hanggang nitong Enero 11, mahigit na sa 17 milyong SIM cards sa bansa ang nairehistro na.

 

Ito ay kumakatawan sa 10.47% ng mahigit 169 milyong mobile cellular subscribers sa buong bansa.

Other News
  • ARIELLA, ilang beses nang nabigo kaya mas nagiging maingat na at baka muling madulas

    KAYA naman daw walang masyadong mabalitaan na lovelife si Miss Universe 2013 3rd runner-up na si Ariella Arida ay dahil masyado na raw itong maingat at baka muli siyang madulas.   Inamin ng beauty queen-actress na ilang beses na raw siyang nabigo sa pag-ibig. Hinalintulad niya ang kanyang lovelife sa isang makintab na sahig. Kapag […]

  • Ads April 15, 2023

  • Mga netizen iba-iba reaksyon kay Laure

    MAGKAKAIBA ang opinyon ng mga netizen sa social media matapos ibunyag nina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ Laure ng University of Santo Tomas  Golden Tigresses  at actor-dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño, Jr. ang kanilang anak.   Isang pagbati ang pinost ng 23-anyos at may taas na 5-9 […]