• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, China lumagda sa MOU ukol sa e-commerce

KAPWA nilagdaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas at Tsina ang isang  memorandum of understanding (MOU) hinggil sa  electronic commerce na naglalayong palakasin ang pagtutulungan sa nasabing sektor.

 

 

Sa  state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  China, kapuwa tinintahan nina DTI Secretary Alfredo Pascual at  Chinese Minister of Commerce Wang Wentao ang  MOU sa E-Commerce.

 

 

Sa ilalim ng  MOU, “the two countries vowed to promote trade of high-quality featured products and services; pursue business exchange between micro, small and medium enterprises (MSMEs) and e-commerce platforms, startups and logistics service providers; and to share best practices and innovative experiences in utilizing e-commerce.”

 

 

“This agreement will facilitate the sharing of experiences, best practices, critical information and policies related to trade and e-commerce. We look forward to interventions that will promote consumer and merchant protection, intellectual property, data security and privacy laws. This MOU will be beneficial in building the capacity of our local businesses to cope with the modernizing business sector,” ayon kay Pascual.

 

 

Ang MOU ani Pascual ay alinsunod sa  agenda ng E-Commerce Philippine 2022 Roadmap, na naglalayong palakasin ang cross-border cooperation at market access sa pamamagitan ng trade agreements at cooperation programs kasama ang mga  major e-commerce trading partners.

 

 

Magagamit din ang  MOU para sa  capacity building programs para mapahusay ang “knowledge and skills” ng MSME para mapalawak ang kanilang potensiyal sa e-commerce.

 

 

Sa pamamagitan ng MOU, ang Working Group on Electronic Commerce sa pagitan ng Manila at Beijing ay bubuuin bilang “focal point of coordination” para sa magkabilang panig. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, boluntaryong ia-audit ang lahat ng tanggapan sa gobyerno lalo na ang COA

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na boluntaryo niyang gagawin ang pag-audit sa lahat ng tanggapan ng gobyerno lalo na sa Commission on Audit (COA) sakali’t manalo siya bilang bise-presidente sa 2022 election.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pangalawang Talk to th People, Huwebes ng gabi ay bunsod na rin […]

  • Lim, iba pa 5 magti-training sa Turkey mula Peb. 23-Mayo 15

    LALABAS ang national karate team ng Philippines Sports Commission (PSC)-Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna sa paglipad sa Istanbul, Turkey sa Pebrero 22 upang doon ipagpatuloy ang kampo para sa Olympic Qualifying Tournament (OFT) sa Paris, France sa Hulyo 11-13.     Napag-alaman ng pahayagang ito kahapon kay Karate Pilipinas […]

  • Estate Tax Amnesty, palawigin

    IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025.     Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations.     Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang […]