• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Dear SV’, magsisilbing tribute sa namayapang ama: SAM, inamin na okay pa rin ang relasyon nila ni RHIAN

WALANG makapagdududa na ang mga magulang ay may mahalagang papel sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. 
Ito ay ipinamalas kay Congresman Sam Verzoza Jr at sa kanyang mga kapatid.
Ipinagmamalaki ng CEO at co-founder ng Frontrow International ang pagiging junior ng orihinal na SV na si Sam Verzosa, na pumanaw kamakailan. Inilalarawan niya ang kanyang ama bilang isang ‘man of character’.
Ang tinaguriang ‘the boy wonder of Sampaloc (Manila)’, ay nagsimula nga sa wala, nagsumikap at nag-aral hanggang maabot niya ang tinatamasang tagumpay.
Kaya naman ‘di siya nakalilimot sa mga nangangailangan at nagtatag sila ng Frontrow Cares Foundation, ang charity arm ng business empire.
Pahayag ng entrepreneur turned philanthropist, “that’s the legacy of my father, to help the helpless.”
Ang kanyang pinamumunuang ‘Tutok To Win Partylist’ ay nagre-represent ng urban poor sector at ini-aim nito na to advance the welfare of the indigent population na naninirahan sa urban areas.
At bilang miyembro ng 19th Philippine Congress, naka-focus si SV na mag-legislate ng mga bills na makikinabang ang mahihirap.
Kaya naman swak na swak ang offer na mag-host isang public affairs TV program, na agad niyang tinanggap dahil nagustuhan niya ang concept.
“It is really tailored-fit to my advocacy of helping people. And it will be aired on mainstream media platform CNN Philippines.”
Itatampok sa ‘Dear SV’ ang mga nakaka-inspire na kwento ng mga indibidwal at grupo na umaangat sa kahirapan at kapansanan, na nagbibigay-liwanag sa pagbabagong kapangyarihan ng pagkakawanggawa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga simpleng kagustuhan ng mga ordinaryong tao na gumagawa ng mga hindi pangkaraniwang bagay.
“‘Dear SV’ serves as my tribute to my father for raising me to where and what I am now,” pahayag niya.
Hindi na nga nahintay ng ama ni Sam na mapanood ang pilot episode ng ‘Dear SV’, bagamat natunghayan nito ang teaser bago pa ito pumanaw.
Eere na ito sa February 18, Saturday, 7:30 p.m. sa CNN Philippines.
Nakangiti pang sambit ni Sam, “I know my dad will be smiling and watching ‘Dear SV’ from heaven.”
Samantala, inamin ng newest public affairs host, na okay na okay ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, matapos na magkaroon ng isyu last year, na nauwi pa sa pag unfollow nila sa isa’t-isa.
Pag-amin niya, nagbatian sila ng ‘Happy Valentine’s Day’ at nag-uusap, araw-araw.  Hindi rin nawala ang girlfriend sa pagbisita sa ama sa ospital hanggang sa wake nito last week.
Kuwento pa ni Sam, “we are here for each other at ang importante nagmamahalan kami at nakasuporta at nandoon para sa isa’t-isa.
“Kung ano man ang label na tawag nyo doon, kayo na ang bahala.”
Kung nagkaroon man sila ng ‘di pagkakaunawaan, ay nagkausap na sila at nagkaayos.
Dagdag pa niya, “mas nakilala namin ang isa’t-isa at nag-mature and now we are trying to be the best of ourselves.”
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

    KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.     Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.     Aniya, nais niyang makita na tumaas […]

  • VP Duterte, umupo na bilang council president ng Southeast Asian education organization

    UMUPO na si Vice President and Education Secretary Sara Duterte  bilang council president ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).     Pebrero 8 nang umupo si Duterte sa kanyang posisyon kasabay ng  opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, kung saan ang Pilipinas ang papalit sa liderato ng organisasyon. Pinalitan ng Pilipinas ang  Singapore. […]

  • Watch ‘Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll’ in Select Cinemas

    THE fantasy anime film Violet Evergarden: Eternity and the Auto Memory Doll is now showing in select cinemas nationwide.     Cinemas are allowed to operate at 50 percent capacity in modified general community quarantine (MGCQ) areas.     The Japanese animation film is a side-story of Violet Evergarden, based on the popular anime series. The […]