• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.

 

 

Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.

 

 

Dahil dito ang kabuuang bilang ng mga kaso na sa bansa mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,478,061 na.

 

 

Gayunman merong walong laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa DOH.

 

 

Sa ngayon meron namang mga aktibong kaso ng COVID sa bansa nasa 49,128 o mga nagpapagaling pa.

 

 

Sa kabila nito marami naman ang bagong mga gumaling na nasa 5,811.

 

 

Kaya naman ang kabuuan ng mga nakarekober sa bansa ay nasa 1,402,918.

 

 

Samantala, nasa 100 namana ng mga bagong namatay.

 

 

Ang death toll ngayon sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 26,015 na.

 

 

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (49,128) ang aktibong kaso, 94.9% (1,402,918) na ang gumaling, at 1.76% (26,015) ang namatay,” ayon pa sa DOH statement.

Other News
  • Inside Out 2 Makes a Big Bang in PH Box Office

    Disney and Pixar’s “Inside Out 2” records the third biggest opening day of all time in the Philippines. Experience the emotional rollercoaster with Riley and new emotions in cinemas now.       Disney and Pixar have done it again! Moviegoers are feeling all the feels as Disney and Pixar’s “Inside Out 2” had a […]

  • 22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela

    UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.     Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]

  • Ads October 17, 2022