Dec. 26, special (Non-Working) day sa buong bansa
- Published on December 14, 2023
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA ng Malakanyang na special (NON-WORKING) day sa buong bansa ang Disyembre 26, 2023, araw ng Martes.
Ito ang nakasaad sa Proclamation No. 425, na ipinalabas ng Malakanyang, Disyembre 12, araw ng Martes, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa ulat, ang araw ng Pasko, Disyembre 25 ay inoobserba bilang regular holiday sa buong bansa. Tumama ito sa araw ng Lunes.
Ang nasabing deklarasyon sa Disyembre 26 ay karagdagang special (non-working) day, naglalayon na bigyan ang sambayanang Filipino ng “full opportunity” na ipagdiwang ang holiday kasama ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.
Hinihikayat din nito ang mga pamilya na magsama-sama at palakasin ang relasyon tungo sa mas maayos na lipunan.
Ang naturang “longer weekend” ay makapagpo-promote ng domestic tourism, ayon sa proklamasyon.
Samantala, inatasan naman ng proklamasyon ang Department of Labor and Employment na magpalabas ng akmang circular para ipatupad ang nabanggit Proclamation para sa pribadong sektor. (Daris Jose)
-
Pinay spikers palaban sa Hanoi SEAG
Pinagsamang beterano at bagitong players ang isasabak ng Pilipinas sa women’s volleyball competition ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12 hanggang 23. Bumabandera sa listahan sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Alyssa Valdez na parehong may malalim na karanasan sa international tournaments. […]
-
5 arestado sa buy bust sa Valenzuela
Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City. Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]
-
141 na mga indibidwal na lulan nang bumagsak na eroplano ng China, patay
WALANG nakaligtas sa 132 mga pasahero at siyam na crew members na lulan ng bumagsak na Boeing 737-800 ng China Eastern Airlines malapit sa lungsod ng Wuzhou sa Guangxi region. Sa video na inilabas ng video clips ng state media ng China ay makikita ang nagkalat na maliliit na bahagi ng naturang eroplano […]