• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 30) Story by Geraldine Monzon

SA KAUNA-unahang pagkakataon ay nakausap ni Angela si Andrea sa cellphone nang i-dial ng huli ang numero ni Janine. Hindi maintindihan ni Angela kung bakit tila may kakaibang hatid sa kanya ang boses ni Andrea habang pinakikinggan niya ito. Pero naisip niya siguro ay na-miss lang niya ang tinig ni Janine kung kaya’t nasiyahan siyang marinig ang boses ng itinuturing nitong matalik na kaibigan.

 

“Hindi ka naman nakaistorbo Andrea. Pero sana sinilip mo na si Janine para nakapagpaalam ka sa kanya ng maayos.”

 

“Hindi ko po kaya ma’am…ayoko pong mamaalam sa kanya…hindi ko pa po natatanggap na iniwan na niya ako…na wala na akong makakausap…wala ng tatawag sa akin at wala na rin akong tatawagan…wala ng magsasabi sa akin na ngumiti lang ako palagi…”

 

“Huwag kang mag-alala Andrea, mula ngayon pwede mo pa ring tawagan si Janine…ako na ang sasagot ng tawag mo para sa kanya…pwede mo akong kausapin tulad sa paraan na kung paano mo siya kinakausap.”

 

Nabigla si Andrea.

 

“T-talaga po?”

 

“Tulungan natin ang isa’-t-isa na matanggap ang maaga niyang paglisan. Sabay tayong ngumiti sa mga naiwan niyang alaala.”

 

“Ang totoo po niyan, first time pa lang naming magkikita sa personal noong linggo na ‘yon…kaso wala na pala siya…”

 

Hindi mapigilan ni Andrea ang mapaiyak.

 

“Gano’n ba, o huwag ka nang umiyak.” ani Angela kahit maging siya man ay naiiyak din.

 

“Pero naisip ko po ngayon, kahit wala na si Janine, hindi pa rin niya ko hinayaan na mag-isa, sa pamamagitan mo po binigyan niya ako ng makakausap…ng bagong kaibigan.”

 

“Parehas lang naman tayo, ibinigay ka rin niya sa akin. Sige na, matulog ka na muna. Bukas ibibigay ko naman sa’yo ang personal number ko.”

 

“Salamat po Ma’am Angela, goodnight po! “

 

Masaya ang naging gising ni Angela kinabukasan na ipinagtaka ni Bernard.

Habang nag-aalmusal sila.

 

“Sweetheart, salamat naman at nakita kong nakangiti ka.”

 

“Iyon ang bilin ni Janine kaya kahit mahirap susubukan ko. Saka nga pala, nakausap ko si Andrea. Yung bestfriend ni Janine. Kahit alam niyang wala na ito, sinubukan pa rin niyang tawagan. “

 

“Talaga? Pero bakit hindi siya nagpunta sa wake ni Janine?”

 

“Kasi hindi raw niya kayang makita ang kaibigan sa ganoong kalagayan eh…at ang masakit pa ro’n, usapan pala nila na magkikita nung Sunday…first time sana nilang magkita sa personal.”

 

Hindi nakakibo si Bernard. Nalungkot din siya sa isiping iyon. Maging si Lola Corazon na nakikinig lang sa kanilang usapan ay nalungkot din.

 

Mula sa pag-o-overtime sa opisina, pauwi na si Bernard nang tumunog ang cellphone niya.

 

“Hello good evening, is this Bernard Cabrera?”

 

“Yes, speaking. Good evening, sino ‘to?”

 

“Waiter po ako sa Molato bar. Meron ditong babae na nagngangalang Regine. Lasing na lasing na po siya, nakabasag na nga po ng baso at bote. Ibinigay po niya ang number at name mo sir, ikaw daw ang tawagan namin para sunduin siya rito.”

 

“What?”

 

No choice si Bernard kundi daanan si Regine sa Molato bar.

 

“Bernard, sabi ko na nga ba darating ka!” tuwang sabi ni Regine sa lasing na boses. May hawak pa itong wine.

 

“Regine, ano ba ‘tong ginagawa mo sa sarili mo?”

 

“I’m just having fun. Gusto kong makalimutan ang mga problema ko.”

 

“And this is your way?”

 

“May naiisip ka bang iba pang paraan? If you want to travel with me, let’s go!”

 

“Maraming paraan Regine, but for now ihahatid na muna kita sa apartment mo.”

 

Sa kotse pa lang ay isinandal na ni Regine ang ulo niya sa balikat ni Bernard.

 

“I miss this moments we shared Bernard…”

 

Hindi umimik si Bernard.

 

Nang magsimulang gumapang ang kamay ni Regine sa hita ni Bernard ay agad iyong inalis ng lalaki.

 

“Stop it Regine!” saway niya rito.

 

Sa apartment ay inalalayan pa rin ni Bernard ang babae hanggang sa silid nito. Subalit nang maihiga na niya ito sa kama ay bigla nitong ikinawit ang kamay sa leeg niya kaya hindi siya makatayo.

 

“Bernard…we did it before…hindi naman siguro masama kung uulitin natin…kahit ngayong gabi lang…I just want to be happy tonight…with you, my Bernard…”

 

Inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakakawit sa batok niya.

 

“Binata pa’ko noon at meron tayong relasyon. But now I’m a married man and I love my wife more than I love myself kaya hindi ko siya makakayang pagtaksilan.”

 

Dahil sa narinig ay tinulak ni Regine si Bernard.

 

“THEN GO! HINDI KO KAILANGAN ANG PAGMAMALASAKIT MO, GET LOST!”

 

Samantala.

Nagpupuyat naman si Jared sa paghahanap kay Andrea sa social media.

 

“Tsk, tsk, sayang bakit ba hindi ko rin naitanong ang surname niya…ang hirap tuloy hanapin sa dami ng Andrea sa mundo…hays, ayos lang, pag may tiyaga, may Andrea!”

 

“Hmmm…pero bakit nga kaya siya umiiyak do’n sa tabi ng puno? Mukhang mabigat ang pinagdaraanan niya. Di bale, sa oras na magtagpo ulit ang landas namin, I will be her knight in shining armor!” ani Jared na ang mga mata ay nakapokus sa monitor ng laptop.

 

Bela’s Restaurant.

Matapos ang duty sa kanyang trabaho, urong sulong si Jared na lapitan si Angela. Hanggang sa mapansin siya nito.

 

“Jared, may kailangan ka ba?”

 

“Ahm…wala naman po ma’am…meron po pala.”

 

“Ano ‘yon?”

 

Nag-aalangan pa rin si Jared sa gustong itanong kaya’t…

 

“A, eh…baka po ano…pwedeng makapag-advance?”

 

“Oo naman. Magsabi ka lang sa cashier natin.”

 

“Salamat po ma’am!”

 

Patalikod na sana si Jared nang pumihit ito pabalik at saka pa lang nasabi ang kanina pa nais itanong.

 

“Ah ma’am, may kilala ka po bang Andrea?”

 

“Andrea…bakit?”

 

“Nung nasa chapel pa kasi ang labi ni Nurse Janine, nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng puno, tapos umiiyak, pinayungan ko pa nga po eh, nakuha ko ang name niya kaso hindi ko nakuha yung surname at number…naisip ko lang baka po kakilala nyo since malapit siya ro’n sa chapel that time…”

 

Naisip na ni Angela na posibleng si Andrea nga iyon. Pero saka na niya sasabihin kay Jared kapag may pahintulot na ni Andrea. Kailangan muna niyang ipagbigay alam ito sa dalaga.

 

Gabi.

Sa bahay na pinagsisilbihan ni Andrea. Pinagbuksan niya ng pinto ang among si Jeff. Nalanghap agad niya ang amoy tsiko nitong hininga.

 

“Andrea…dalhin mo ko sa room ko…” humahapay nitong sabi.

 

“O-opo sir…”

 

Kahit hirap na hirap ay inalalayan niya ang binata hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito. Maingat niya itong inihiga sa kama. Paalis na siya nang muli siya nitong tawagin.

 

“Andrea…”

 

“Po?”

 

“Hubaran mo ko…”

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Sa lapses sa imbestigasyon ng pumanaw na ama: JANNO, humihingi ng public apology at ‘di na magsasampa ng kaso

    NAGLABAS na ng official statement ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa pagkalat ng unauthorized and sensitive video ng imbestigasyon ng pulisya sa pagpanaw ng ama na si Ronaldo Valdez noong December 17, 2023.     Labis na ikinabigla ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng beteranong aktor. Pero mas lalo raw nalungkot sina Janno […]

  • Antipolo Cathedral naghahanda para sa pagiging International Shrine na

    NAGHAHANDA  na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.     Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.     Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din […]

  • LeBron, Bronny gumawa ng NBA history

    GUMAWA ng kasaysayan si LeBron James at anak ni­yang si Bronny James, Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game.     Nangyari ito sa 114-118 preseason loss ng Los An­geles Lakers sa Phoenix Suns kahapon sa Arcisure Arena.     Ginawa nina James at Bronny ang historic moment […]