DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
KAHIT NAGSESELOS kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea.
Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas ng kanyang kamao sa mukha nito.
“JARED, JEFF!” sigaw ni Bela.
Agad dinaluhan ni Bela si Jeff. Subalit nagmamadaling tumayo ang binata at gumanti ng suntok kay Jared.
“ANO BA, TAMA NA!” awat ni Bela.
Tila walang naririnig ang dalawa. Kapwa ibinuhos ang inis sa isa’t-isa sa pagkakataong iyon. Nakubabawan ni Jared si Jeff, pero ilang saglit lang at si Jared naman ang nakubabawan ni Jeff. Nagpapalitan lang sila ng atake. Hanggang sa hindi na makatiis si Bela. Dahil walang makaawat sa dalawa pati ang mga nakakitang tao sa paligid, kaya’t nagdesisyon ang dalaga na iwanan ang mga ito. Nagtatakbo siya palayo.
Saka lamang natigilan ang dalawang binata. Hinabol ni Jeff si Bela.
“Andrea! Sandali!”
Saglit na huminto ang dalaga.
“O ano, masaya na ba kayo?”
“Sorry, I’m sorry!”
“Jeff, hindi na dapat kayo umabot sa ganito. Kaibigan ko lang si Jared. Ikaw na nga ang pinili ko kahit ganyan ang ugali mo. Pero huwag mo naman akong pagbawalan sa mga tao na gusto kong kaibiganin.”
Humakbang si Jeff palapit sa dalaga.
“Pinili mo nga ako, kaya hindi ka na dapat nakikipaglapit sa ibang lalaki. Hindi mo kasi alam kung anong pakiramdam na makita kang masaya kasama ang iba. Lalo na at hindi ko pa naririnig mula sa mga labi mo na mahal mo ako. Na ako lang ang mahal mo.”
Humakbang din si Bela palapit sa binata at hinawakan ito sa pisngi.
“Hindi ko man sinabi, pero alam kong naramdaman mo na…mahal kita…at ikaw lang ang nasa puso ko…”
Masuyong hinagkan ni Jeff ang kamay ng dalaga mula sa kanyang pisngi.
“Andrea…”
“May hihilingin din sana ako sa’yo…kung pwede Bela na lang ang itawag mo sa akin. Gusto kong maging si Bela na ulit ako. Maraming hindi magandang karanasan si Andrea kaya pinipili ko ngayong bumalik sa tunay kong pagkatao at kalimutan ang mga alaala ng nakaraan.”
“Kung ‘yan ang gusto mo…Bela…”
Sa di kalayuan ay nakatanaw sa kanila si Jared. Nagdurugo ang puso ngunit handang magpaubaya para sa babaeng minamahal.
“Hindi man ngayon…pero sana balang araw…sana ikaw at ako sa huli…” dalangin niya sa puso.
Napansin ni Angela ang hindi magandang mood ni Bernard nang dalhan niya ito ng kape sa mini-office nito sa loob ng kanilang bahay.
“Sweetheart…mainit yata ang ulo mo?”
“Si Roden…siya ang bago naming kliyente. Napakasamang balita na sa kanya nakasalalay ngayon ang buhay ng kumpanya.” ani Bernard na hindi maitago ang inis sa mukha. “ Hindi ko alam kung saan nanggaling ang yaman niya ngayon, ang nasisiguro ko lang ay taglay pa rin niya ang kayabangang tanging meron siya noon.”
“It’s okay sweetheart. As long as wala naman siyang ginagawa against you sa trabaho, hayaan mo lang.”
Napakunot ang noo ni Bernard sa sinabi ni Angela.
“Angela, nakalimutan mo na ba ‘yung kinuwento ko sa’yo kung paano kami nagdusa ni Lola Corazon sa pagkawala nyo ni Bela?”
Napayuko si Angela.
“Kung ibinalik ka niya sa akin, sana nabawasan ang bigat na dinadala namin ni lola. Sana naging maayos agad ang kalagayan mo. Pero sa piling niya naging miserable ka at nawala pa ang anak natin sa sinapupunan mo! Kundi siya naging makasarili baka naisalba pa natin ang baby natin!”
“I’m sorry Bernard…hindi ko intensyon na masaktan ka ngayon dahil sa pagbabalik niya. Kung hindi ka magiging komportable sa trabaho, pwede namang pagtulungan na lang natin ang restaurant.”
“Pag-iisipan ko.”
Narinig ni Bela ang usapan ng mga magulang mula sa pintuan. Nais din kasi sana niyang kausapin ang mga ito tungkol sa isang mahalagang bagay.
Paglabas ni Angela ay nakita siya nito.
“Bela, anak may kailangan ka ba?”
“Ahm, opo sana mommy…kaya lang bad timing yata ako.”
“Hindi naman. Sige, sa akin mo na lang muna sabihin, tara doon tayo sa garden.”
Magkatabi silang naupo sa upuan sa garden.
“Ano ba yung sasabihin mo?”
“Tungkol po sana kay Mama Cecille…”
“Kay Cecille, bakit, anong tungkol sa kanya?”
“Ahm, kasi po naisip ko ngayong wala na si Lola Lucia, mag-isa na lang po si mama sa bahay nila. Wala na rin po sa atin si Lola Corazon. Kayong tatlo na lang po ang tangi kong pamilya, ikaw, si daddy at si Mama Cecille…baka naman po pwedeng makasama na rin natin siya dito sa bahay?”
Saglit na napaisip si Angela. Ngunit ang kahilingan ng anak ay hindi niya magagawang tanggihan.
“Huwag kang mag-alala anak, kakausapin ko ang daddy mo. Teka, pumayag ba ang mama mo?”
“Hindi ko pa po sinasabi sa kanya, syempre kayo muna ni daddy ang dapat na una kong kausapin tungkol dito.”
“Sige anak. Sa akin naman walang problema. Pero kailangan nating hintayin ang desisyon ng daddy mo bilang respeto sa kanya.”
“Opo mommy, thank you po!” sabay yakap ni Bela sa ina.
Nagulat si Regine nang makasalubong si Roden sa lobby ng kumpanya.
“Roden, what are you doing here?”
“Regine, nice to see you here, dito ka rin pala nagtatrabaho?”
“Yes, with my Bernard, at ikaw?”
“Your Bernard? Nananaginip ka na naman. By the way, I am your boss now, kaya huwag mo akong masyadong pinagkakakausap kapag maraming tao sa paligid, baka isipin nilang close tayo.”
Napakunot noo si Regine.
“What?”
“Joke lang. Pero totoo, mapupunta na sa akin ang pinakamalaking shares ng kumpanyang ito, kaya if I were you, be good to me.” nakangising anito.
“Wow! Unbelievable, paanong nangyari ‘yon, can we talk about this over coffee outside?”
“Sure!”
Dahil sa tugon ng lalaki ay mabilis na umabrisyete si Regine dito. Habang ang mga empleyado sa paligid ay napapatingin at napapaisip.
Hindi gusto ni Bernard ang idea ni Bela na patirahin ang Mama Cecilia nito sa bahay nila. Ngunit wala siyang maisip na dahilan para hindi ito pagbigyan. Ang alalahanin sa usaping ito ay nakadagdag lamang sa kanyang mga iniisip. Bakit ba kasi bumalik pa sa buhay nila sina Regine, Cecilia at Roden? Kaya pabiling biling siya sa higaan.
Naramdaman ito ni Angela kaya’t idinantay nito ang kamay sa asawa.
“Sweetheart, hindi ka ba makatulog?”
“Iniisip ko ang trabaho, pinag-iisipan ko rin ang suggestion mo.”
“Huwag kang masyadong mag-alala, maaayos din ang lahat. Sa dami ng mas malalaking problema na pinagdaanan natin, sa tingin ko wala na tayong hindi makakaya kung hindi tayo bibitaw sa isa’t-isa diba?”
Humarap si Bernard kay Angela at hinagkan ito sa noo.
“Oo naman sweetheart, lalo pa ngayong buo na ang pamilya natin, magiging lakas natin ang bawat isa.”
Nang bumisita si Bela sa restaurant nila ay napansin niyang tila iniiwasan siya ni Jared. Alam niyang nakita na siya nito ngunit ni hindi man lang siya kinausap.
Iba rin ang nagdala ng Bela’s special juice para sa kanya. Daan daanan lamang siya ng binata habang nagseserve ito sa iba. Para tuloy nagi-guilty siya sa nangyari.
Samantala.
Sa isang coffee shop nagbonding sina Roden at Regine. Napag-usapan nila ang mga nangyari sa nakaraan kabilang na ang nangyari sa isla at sa naging buhay ni Regine. Nanatili namang tikom ang bibig ni Roden tungkol sa pinanggalingan ng kanyang yaman ngayon.
“You know what, okay na sana ang mga plano ko, kung hindi lang sa pakikialam ng malditang anak nila na si Bela!”
“Anong gusto mong mangyari?”
“I want her to disappear!”
“Madali lang naman ‘yan eh…” ani Roden sabay lagok sa natitirang kape.
Napangiti si Regine sa sinabi nito.
“So how?”
Makahulugang tiningnan ni Roden ang babae sa mga mata nito.
(ITUTULOY)
-
Dahil sa world-class acting sa ‘Royal Blood’… RHIAN, waging best actress sa 4th TAG Awards Chicago
ITINANGHAL na Best Actress sa 4th TAG Awards Chicago si Kapuso actress Rhian Ramos para sa murder mystery series na “Royal Blood.” Nasungkit ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales. Tumatak sa viewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya […]
-
Kaysa umasa sa imported: Mass-production ng face masks, itutulak
DAPAT ikunsidera ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng bansa sa mabilis na paggawa ng o mass-production ng face masks kasunod na rin sa nagaganap na worldwide shortage ng anti-viral personal device. “Our sense is, it might be practical for the government itself to be ready all the time to steadily produce large quantities […]
-
Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) umakyat sa ₱58 billion ngayong 2024
TUMAAS ng 78% o P58 bilyon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) ngayong taon ng 2024. Ang MAIP ay isang national initiative na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal para sa mga underprivileged patient. Matatandaan na umabot lamang sa ₱32.6 billion budgetary provision sa 2023 General Appropriations Act (GAA). […]