Del Carmen tigasin sa WNBL Draft Combine
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 Finals Most Valuable Player na si Monique Allison del Carmen ang 54 pang ikalawang grupo ng mga aspirante na nagladlad ng kanilang talento sa ikalawa’t pinaleng ng araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo, Disyembre 13 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.
Kapansin-pansin din bukod kay Del Carmen ng six-peat University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball champion National University Lady Bulldogs, sina Gilas Women at dating University of the Philippines standout Fille Claudine Cainglet, na kapatid ng volleyball player na si Fille Saint Merced Cainglet-Cayetano, at iba pa.
Pribilehiyo ng mga point guard na ipakita ang kanilang husay maghapon sa pagdaan din sa kanilang liksi, bilis at lakas na kabilang sa basehan sa pagpili sa mga manlalaro na huhugutin naman sa unang draft din ng liga sa buwan ding ito.
Kabilang ang mga dumalo sa unang pangkat nitong Sabado, Dis. 12, nasa kabuuang 115 lady ballers ang bumahagi sa dalawang araw na okasyon para sa mga nangangarapna makapaglaro sa unang ligang propesyonal ng sport sa bansa sa papasok na taon. (REC)
-
NAG-IWAN NG MATANDANG BABAE, HAWAK NA PULIS
HAWAK na ng Manila Police District Special Mayor Reaction Team o MPD Smart ang ilang indibidwal na sinasabing nang iwan sa isang matandang babae sa MacArthur Bridge sa Maynila. Ayon kay P/Major Jhun Ibay, hawak nila ngayon ang isang Emerita Desilio at Efraim Tan Yap. Depensa naman ni Desilio, napag-utosan lamang […]
-
Pinas, handang baguhin ang ilang patakaran na may kinalaman sa pagnenegosyo
NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang ilang regulasyong ipinatutupad hinggil sa pagnenegosyo para sa kapakanan ng mga mamumuhunan. Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa Pilipinas. Tiniyak ng Punong Ehekutibo na handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo- proseso sa […]
-
Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey
NANGUNA sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia. Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at pumangatlo naman si Villar (56.2%). […]